^

Punto Mo

Isang taong gulang na bata, nag-release ng album na nirekord habang siya ay nasa sinapupunan pa lamang!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NASA sinapupunan pa lamang noon si Luca Yupanqui nang makapag-record na siya ng kanyang album. Ngayong 1-year old na siya, ipaparinig na niya sa buong mundo ang album niya na pinamagatang “Sounds of the Unborn”.

Nirekord ang album noong ika-walong buwan ni Luca sa sinapupunan ng kanyang ina. Na-produce ang ten-track album sa pamamagitan ng Biosonic MIDI technology.

Sa tulong ng electrodes na inilagay sa tiyan ng ina ni Luca, ni-record nito ang vibration ng fetus. May haba na limang oras ang mga na-record na vibration at ginamitan ito ng synthesizers para maging music. Hinati sa 10 tracks ang mga ito at pinamagatan ang album na “Sounds of the Unborn”.

Ayon sa Sacred Bones Records, ang company na nag-produce, naisipan nila na gumawa ng ganitong klaseng album para sagutin ang katanu­ngan kung ano nga ba ang musika kapag manggagaling ito sa isang sanggol na wala pang muwang sa mundo at impluwensya mula sa ibang tao.

Na-release ang album noong Abril 24, 2021 at nakatanggap ng papuri mula sa mga music enthusiast.

 

vuukle comment

CHILD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with