^

Punto Mo

EDITORYAL - Uniform vax cards, wala pa rin! Anyare?

Pang-masa
EDITORYAL - Uniform vax cards, wala pa rin! Anyare?

Maraming namemeke ngayon ng mga resulta ng RT-PCR tests. Naglipana sa kung saan-saang lugar sa Metro Manila. Kung noon ay mga pekeng diploma at transcript ang pinepeke sa “Recto University”, ngayon ay resulta na ng COVID tests. Mas madaling gayahin. May ginagamit para makatawid sa probinsiya at meron din namang requirements sa trabaho. Hindi lamang COVID tests ang pinepeke kundi pati vaccination card.

Mapipigilan lamang ang pamemeke sa vaccination cards o pati na COVID tests kung mayroon nang uniform vaccination cards na galing sa Department of Information and Communications Technology (DICT). Ang DICT ang nangangasiwa sa genuine vaccination cards na kikilalanin maski sa ibang bansa. Kung may uniform vaccination cards wala nang magiging problema ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pagbabalik nila sa bansang pinagtatrabahuhan.

Pero nakapagtataka na hanggang ngayon ay wala pang iniisyung vaccination cards ang DICT. Sabi ng departamento, ilalabas noong Agosto ang uniform vaccination card. Pero nagdaan ang Agosto at Setyembre, wala pang napapasakamay na vax card ang mga bakunado particular ang mga OFW na lubhang kailangan ito. Ang pagkakaroon ng uniform vax cards ay isa sa mga requirements ng IATF. Ang pangako sa pag-iisyu ng vax cards ay isinabay sa paglagda ng COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 noon pang Pebrero.

Lubhang mahalaga sa OFWs ang uniform vax cards sapagkat hindi sila makakabalik sa pinagtatrabahuhan hangga’t walang vaccination card na iisa ang source. Una nang sinabi ng ilang bansa na hindi tatanggapin ang vaccination cards na inisyu ng local government units (LGUs). Halimbawa ay ang Hong Kong na unang naghigpit sa vaccination card. Noong nakaraang buwan, 3,000 Pinay workers ang hindi agad nakabalik sa Hong Kong dahil sa isyu ng uniform vax cards.

Bakit naaantala ang pag-iisyu ng vax cards? Ano ang problema ng DICT?

May problema ba local government units (LGUs) na nagsusuplay ng inpormasyon ukol sa mga bakunado? Sabi ng LGUs noon, na ipo-provide nila ang lahat ng inpormasyon ng mga nabakunahan para maging mabilis ang pagkakaroon ng data base ng mga bakunado.

Anyare at wala pang vax cards? Masyado bang abala sa pagbabalik sa Senado ang pinuno ng DICT kaya wala pa ang vax cards?

vuukle comment

COVID-19

DICT

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with