^

Punto Mo

Ang tunay na lider

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG babae ang nagpi-fill out ng application para sa isang prestihiyosong kolehiyo sa England. Sa bandang hulihan ng application ay may isang katanungan na sasagutin lang niya ng Yes or No: Kaya Mo Bang Maging Pinuno?

Pinag-isipan ng babae kung ano ang kanyang isasagot. Ipinasya niyang maging tapat sa kanyang kasagutan kaya NO ang sagot niya.

Bagaman at gusto niyang maging matapat, nag-alala siya na baka iyon ang maging dahilan para ma-reject siya sa kanyang aplikasyon kahit pa maipasa niya ang written examination.

Pagkaraan ng isang buwan ay natanggap niya ang resulta ng kanyang examination. Pasado siya ngunit kailangan pa rin niyang matanggap ang second letter kung saan sasabihin na puwede na siyang mag-enrol.

Bukod sa written examination, ini-evaluate pa rin ang mga sinagot nila sa application form.

Lumipas ang isa pang buwan ay natanggap niya ang second letter:

Dear Candidate:

Nais naming ipaalam sa iyo na sa school year na ito, ang nirebyu naming aplikasyon ay umabot ng 5,600 ngunit 1,225 lang ang nakitaan namin ng potensiyal na maging mahusay na lider. Ang mga napiling ito ang ipapadala namin para dumalo sa pagsasanay para  maging mahusay na pinuno.

Nasisiyahan naming ipaalam sa iyo na tinatanggap namin ang iyong aplikasyon at maaari ka nang mag-enrol. Inaanyayahan ka rin namin na dumalo sa pagsasanay na nabanggit sa unang bahagi ng liham dahil nakitaan ka namin ng potensiyal na maging pinuno. Ang mahusay mamuno ng mga tao, higit sa lahat, ay dapat munang maging matapat sa sarili at hindi mapagkunwari.

“Well, if you’re true to yourself you’re going to be true to everyone else.”—John Wooden

vuukle comment

ENGLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with