^

Punto Mo

Healthcare workers resignation

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MAGKAKAROON nang malaking problema ang madlang Pinoy sa Philippines my Philippines lalo na ang mga magkakasakit dahil unti-unti ng nagbibigti este mali nagbibitiw pala sa kanilang pinagtatrabahuhan ang mga healthcare workers going abroad.

Bakit?

Karamihan sa mga health workers sa Philppines my Phi­lippines ay umaangal sa napakaliit na sahod na tinatanggap nila kumpara sa sasahurin nila abroad kaya nag-decision making sila na mag-resign na sa kanilang trabaho dito.

Naging in-demand ang hiring ng mga health care workers mula ng tumama sa buong mundo ang COVID 19 disease dahil kinapos ang karamihan bansa sa kanilang mga medical workers sa dami ng mga nagkasakit at nangamatay.

Malaking halaga ang sahod na tatanggapin nila abroad kapag nagpunta ang mga nurses at doctors doon.

Sabi nga, goodbye my Philippines my Philippines!

May mga nagsasabi na kapag hindi napigilan o napakiusapan ang mga healthcare workers sa kanilang pagbibitiw tiyak ang mga may sakit sa Philippines my Philippines ang maapektuhan.

Abangan.

• • • • • •

Face to face classes 

Maraming magulang ang nagpalagan the other day na ibuyangyang ng DepEd ang pagkakaroon ng face to face classes pero ito anila ay hindi sapilitan.

Marami ang kontra sa panukala ng DepEd na face to face classes dahil wala pa halos bakuna ang madlang Pinoy maski na ang mga kabataan ay hindi pa natuturukan.

Paano ngayon kung magkahawahan o magkasakit ang kanilang mga anak dahil sa virus?  

Sino ang magpapagamot at magbabayad sa ospital? Ang DepEd ba?

Siguro pag-aralan munang mabuti ng gobyerno ang face to face classes pero totoong kailangan na ito ng mga mag-aaral para matuto sila sa kanilang pag-aaral.

Hindi iyong nasa online sila sa haybol na kadalasan ang mga magulang nila ang gumagawa inaaral ng mga guro sa kanila.

Ano sa palagay ninyo?  Payag na ba ang mga magulang na pumasok sa mga eskuelahan ang kanilang mga anak?

Siguro sa mga probinsiya puede na itong subukan dahil bihira naman ang dayo na pumupunta doon hindi tulad sa Metro Manila kung saan-saan galing ang madlang people na pumupunta dito.

Abangan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with