^

Punto Mo

‘Ghost town’, biglang lumitaw sa utah matapos ang matinding tagtuyot

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL sa matinding tagtuyot na nararanasan ngayon sa isang reservoir sa Utah ay bigla na lang lumitaw ang isang ghost town o inabandonang bayan na matagal ng nilimot ng panahon.

Ayon sa pamunuan ng Utah State Parks ay aabot na lamang sa 26% ng kabuuang kapasidad ng Rockport Reservoir ang lebel ng tubig doon, dahilan upang muling lumitaw ang lumang bayan ng Rockport mula sa pagkakalubog nito sa tubig.

Nakakaaliw raw na masilayan ang lumang pundasyon ng mga naging bahay at bakas ng mga dating kalsada na unti-unting lumilitaw habang bumababa ang tubig, ayon sa isang drone photographer na bumisita sa reservoir.

Unang tinirhan ang dating bayan ng Rockport noon pang 1860 ngunit hindi lumampas sa 200 ang mga naging residente nito.

Noong 1950s, tuluyan na itong inabandona nang itayo ang Wanship Dam, dahilan upang mapasailalim sa tubig ang buong bayan.

 

vuukle comment

DROUGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with