^

Punto Mo

MWSS tree planting, lalampas sa 5M! – Velasco

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MALALAMPASAN ng Metropolitan Waterworks and Se­we­rage System ang primary goal nilang magtanim ng limang mil­yon na kahoy sa pitong critical watersheds kaya’t nagbabalak na ang MWSS na i-expand ang proyekto sa ibang panig ng bansa. Sa ilalim ng programang Annual Million Trees Challenge (AMTC), ang MWSS ay nakapagtanim na ng 4,131,326 na punongkahoy sa 9,509,475 ektaryang lupa sa Angat, Ipo, Kaliwa, La Mesa, Laguna Lake, Umiray, Upper Marikina at Manila Bay, ani retired Gen. Reynaldo Velasco, MWSS chairman and Administrator.

Ang AMTC ay inilunsad noong 2017 at ang mga partner’s nito ay nangakong magtatanim ng may 1,173,831 pang punongkahoy sa ika-5 taon ng programa kaya’t masasabi kong lampas-lampas na ito sa 5 milyon na balakin ng AMTC, di ba mga kosa? Kapag maibalik kasi ang kalu­sugan ng watersheds, magkakaroon ng sapat na tubig para sa agricultural, domestic at industrial purposes, ani Velasco.

Hindi lang ‘yan. Ang watersheds ay magiging tahanan din ng iba’t ibang uri ng halaman at mga hayop at higit sa lahat ay malaking papel ang gagampanan nito laban sa baha. Inamin ni Velasco na ang illegal logging, grazing at mining ay iilan lang sa kadahilanan kung bakit nasisira ang watersheds. “Despite the growing awareness of environmental protection among Filipinos, much still needs to?be done to raise that awareness to the ideal level,” ani Velasco. Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaaa!

Ayon kay Velasco, nagsagawa ng karagdagang infrastructure project ang MWSS para tugu­nan ang problema ng patubig sa Metro Manila at malapit na nilang makamtan ang water security sa Kamaynilaan. Inamin ni MWSS chairman na marami pang dapat gawin para mas lalo pang umunlad ang kalagayan ng water industry sector at ang “better watershed management will definiterly be a key.”

Subalit dahil marami pang partner’s nila ang magtatanim ng punongkahoy sa huling buwan ng taon na ito, ipinahayag ni Velasco na nasa tamang direksiyon na sila para sa nationwide expansion. Mismooooo! Dipugaaaaaa!

Ang Million Trees Foundation Inc. (MTFI) ay naaprubahan ng MWSS Board of Trustees noong Agosto 25, 2021 at ang nagplano at bumuo ng AMTC na si Mel Velasco, ang siyang naging presidente at CEO nito. “Having been one of the think tank and primary movers of the AMTC, I am extremely elated on?how far this project has come a long way in planting millions of trees and in protecting seven?critical watersheds that are sources of potable water to Metro Manila and its environs,” ani Mel Velasco. “When one thinks of water, one is reminded that this precious resource, with its depleting supply,?could turn into a crisis and cause “water stress.” One way of preventing this is to take care of the?watersheds,” ang dagdag pa n’ya.

Pinasalamatan din ni Velasco ang AMTC’s institutional partners tulad ng Maynilad Water?Services,   Inc.,   Manila   Water   Company,   Inc.,   at  San   Miguel   Corporation. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

MWSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with