^

Punto Mo

EDITORYAL - Air pollution sa Metro balik sa dati

Pang-masa
EDITORYAL - Air pollution sa Metro balik sa dati

BALIK ang nakalalasong usok sa Metro Manila dahil sa mga sasakyang hindi namimintina. Mula nang magluwag sa community quarantine sa Metro Manila, marami nang sasakyan ang yumayaot. Ang usok ng mga sasakyan ang numero unong nagpapalason sa hangin.

Ayon sa pag-aaral, 80 porsiyento na pinagmumulan­ ng air pollution sa Metro Manila ay mga hindi nami­mintinang sasakyan gaya ng mga karag-karag na dyipni, taxi, trak at traysikel. Pinagmumulan din ng pollution ang mga usok mula sa pabrika at mga sinu­sunog na basura.

Sa ilalim ng Clean Air Act of 1999, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog ng mga basura at paggamit ng incinerators. Nawalan ng silbi ang batas kaya ngayon, balik na naman sa may lasong hangin na nabawasan na noong nakaraang taon nang magsimula ang pandemya.

Walang ginagawang aksiyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa mga lumalason sa hangin. Wala na ang mga ope­ratiba na nanghuhuli sa smoke belchers. Mabuti pa ang Manila Bay ay pinagaganda ng DENR sa pama­magitan ng pagtatambak ng dolomite. Pinondohan ng P389 milyon para maging kaakit-akit. Pero ang pagpapasariwa sa hangin, walang hakbang ang DENR. Walang kabalak-balak.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang maru­ming hangin ay nagdudulot ng noncommunicable diseases (NCDs) gaya ng allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases.

Isang magandang naidulot ng lockdown noong nakaraang taon ay nang mabawasan nang malaking porsiyento ang maruming hangin na nakakulapol sa Metro Manila. Ibinawal ang pagpasada ng mga pribado at pampublikong sasakyan.

Dahil nabawasan ang air pollution natanaw nang ma­linaw sa unang pagkakataon ang bundok sa Antipolo­. Napakagandang tingnan ang bughaw na bundok. Napa­kaaliwalas.

Dahil ngayon ay nagluluwag na, bumalik na rin ang hangin na may lason sa Metro Manila. Marami na naman ang masusulasok. Sinagasaan na nga ng COVID, hangin na may lason ang isa pang kalaban ngayon. Sana makagawa ng paraan ang DENR ukol dito. Kung nagawang pagandahin ang lawa, pasariwain naman ang hangin.

vuukle comment

POLLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with