^

Punto Mo

Pera

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA sobrang kahirapan ng buhay, sumigaw ang mahirap na lalaki habang nakatingala sa kalangitan: Diyos ko, bigyan mo ako nang maraming pera!

Tila narinig ng Diyos ang kanyang kahilingan dahil sa isang iglap ay may mayamang lalaki na kumatok sa pintuan ng kanyang kubo at nagwika ng ganito:

“Kumuha ka ng kahit anong lalagyan at pupunuin ko iyon ng pera. Ngunit kapag nahulog sa sahig ang kahit isang pirasong barya, ang lahat ng ibinigay kong pera ay magiging abo.”

Kumuha ng timba ang mahirap na lalaki at iyon ang sinalinan ng pera ng mayamang lalaki. “Hihinto lang ako sa pagsasalin ng pera kapag sumigaw ka ng TAMA NA!”.

Tuluy-tuloy ang pagsasalin ng pera. Nakita ng mayamang lalaki na napupuno na ang timba ng barya kaya nagtanong siya: “Ano, itutuloy ko pa?”

“Sige, Salin pa nang salin. Kailangang samantalahin ko ang pagkakataon…”

Hindi namalayan ng mahirap na lalaki na sumosobra na ang barya kaya’t nahulog ang ilang pirasong barya sa sahig.

Sa isang iglap, naging abo ang lahat ng pera sa timba.

“Greed is a fat demon with a small mouth and whatever you feed it is never enough.”

– Janwillem Van De Wetering

vuukle comment

MONEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with