^

Punto Mo

EDITORYAL - Loose firearms, samsamin

Pang-masa
EDITORYAL - Loose firearms, samsamin

SA susunod na buwan ay filing na ng candidacy ng mga tatakbo sa May 2022 elections. At ang kasunod na ay ang kanilang pangangampanya. Sa pangangampanya, nakaaamoy na maaaring­ magkaroon ng kaguluhan dahil ngayon pa lamang­, marami nang baril ang inaasembol at ini-smuggle. Ang matindi pa, ginagawa na ang online na pagbebenta ng baril. Kung ngayon ay in-demand ang online selling ng mga pagkain, damit, at iba pang mahahalagang bagay, maski ang baril ay online na rin. Pati ang bayaran ay ginagawa na rin online. Karaniwang ang mga bumibili o parukyano ng mga baril online ay ang mga private armed groups.

Noong nakaraang Miyerkules, nabisto ng Phi­lippine National Police (PNP) ang mga matataas na kalibreng baril sa isang bodega sa Quezon City. Kasunod niyon, sinalakay din ang isang bodega sa Sta. Maria, Bulacan na naglalaman ng mga matataas na calibre ng baril. Ang mga baril ay hindi pa naaasembol at pawang nasa mga kahon.

Sabi ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, pinag-utos na niya sa Anti-Crime Cybergroup ang masusing pag-iimbestiga sa bilihan online ng mga baril. Paiigtingin umano nila ang kampanya sa loose firearms lalo pa at malapit na ang election.

Tiyak na maglulutangan ang mga baril sapagkat ito ang ginagamit para makakuha ng boto. Gagamitin ng mga pulitiko ang private armed group para maghasik ng kaguluhan at para ma­mayani sa election.

Sa kasalukuyan, marami pang PAGs sa Mindanao at sa hilagang Luzon. Kailangang masamsam ng PNP ang mga baril ng mga pribadong grupo. Kasabay sa pagtutok sa online sale ng baril, dakmain din ang mga nagmamay-ari ng loose firearms. Lansagin ang PAGs. Huwag haya­ang mamayani ang mga ito sa elections. Ang maigting na kampanya ng PNP laban sa mga ito ang nararapat.

vuukle comment

FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with