^

Punto Mo

Alert Level System, arangkada na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Simula na ngayon ang pagpapatupad sa Alert Level System­ ng pamahalaan.

Sa paunang salbo, Alert Level 4 ang paiiralin sa buong Metro Manila.

Nagkasundo kasi ang mga Metro Manila mayors na bagama’t masasabing iba-iba ang kalagayan o status kung COVID-19 ang pag-uusapan sa kani-kanilang mga lugar, eh isang Alert Level na lang ang pairalin para hindi magkaroon ng kalituhan sa panig ng mga mamamayan.

Ang Alert Level 4 ang ikalawang pinakamataas na COVID alert level, na ang ibig sabihin nasa ‘high’ at patuloy na tumataas ang transmisyon ng virus sa lugar, habang high rin ang ICU at bed utilization.

Kung pagbabasehan ang dating ipinatutupad na klasipikasyon katumbas din ang Alert Level 4 ng modified enhanced community quarantine.

At dahil marami pa rin ang nalilito sa ganitong klasipikasyon at kung ano ang mga nakapaloob dito.

Dapat siguro na mas simplihan ang pagpapaliwanag sa mga tuntunin o guidelines ukol dito, para na rin sa publiko.

Nawa’y kahit papaano ay makatulong ang inyong Responde ukol dito.

Ipapatupad ang pinakamababang  Alert Level 1 kung kaunti ang kaso at pababa na ang COVID-19 transmission, at mababa rin ang total bed utilization rate at intensive care unit (ICU) utilization rate sa lugar. Dito, bukod sa granular lockdown areas, lahat ng establisimento at aktibidad ay maaaring mag-operate, at papayagan din ang full on-site, venue o seating capacity basta susunod sa minimum health standards.

Alert Level 2 naman ang ipapatupad sa lugar kung saan pababa na ang case transmission, at mababa pero tumataas ang health care, total bed, at ICU utilization rates. Papayagan ang 50 porsiyento on-site, venue o seating capacity.  Kasama rin sa papayagan ang mga indoor entertainment venue gaya ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls, theaters, at sinehan.

Alert Level 3 naman saan mataas o tumataas ang kaso ng COVID-19 gayundin ang total bed at ICU utilization rate, babawasan sa 30 porsiyento ang mga puwedeng mag-operate sa Alert Level 2 areas.

Kung sa dalawang naunang alert level marami ang pinapayagan sa ilalim ng Level 3, bawal ang Indoor entertainment venues tulad ng cinemas at venues na may live performers, gayundin ang outdoor at indoor amusement parks or theme parks, funfairs o perya, at kid amusement industries.

Alert Level 4 naman ang ipatutupad sa mga lugar kung saan mataas at patuloy na tumataas ang COVID-19 case count, at itinuturing na “high” ang total bed at ICU utilization rate dito.

Sa ilalim ng Level 4, nakapako lang sa 10 porsiyento ang papayagang indoor dine-in at dito na nga mabebenepisyuhan ang mga bakunado dahil sila lag ang kabilang sa 10 porsiyento; habang 30 porsiyento naman sa outdoor o al-fresco dine-in pero puwede kahit sa mga hindi bakunado.

Samantala, sa Alert Level 5 naman tutukuyin ang mga lugar na maituturing na alarming ang kaso ng COVID-19 at critical ang total bed at ICU utilization rate. Sa lebel na ito, ipatutupad ang guidelines ng enhanced community quarantine (ECQ) status na nauna nang inaprubahan ng IATF.

vuukle comment

ALERT LEVEL SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with