^

Punto Mo

EDITORYAL - Dami sanang trabaho kung gawang Pinoy ang PPEs

Pang-masa
EDITORYAL - Dami sanang trabaho kung gawang Pinoy ang PPEs

MARAMING walang trabaho ngayon dahil sa pandemya. Ang mga may trabaho, paudlot-udlot ang pasok dahil sa pabagu-bagong lokdown. Maghihigpit-magluluwag. Bukas ngayon pero bukas sarado uli dahil sa pinatutupad na health measures. Kaya maraming kawawa. Dahil walang trabaho, walang suweldo at walang maipakain sa pamilya.

Pero ang kakulangan sa trabaho ay masosolusyunan sana kung locally made na ang personal protective equipments (PPEs) gaya ng face masks,

medical-grade seam-sealed coveralls, isolation gowns, at head and shoe covers. Pero hindi ganito ang nangyayari dahil nangggaling pa sa ibang bansa gaya ng China ang PPEs na sobra pa ang ang mahal.

Noong nakaraang taon, sinabi ng Deparment of Health (DOH) na ang mga local manufacturers ng PPEs ang bibigyang prayoridad ng gobyerno. Makikipag-ugnayan umano sila sa Coalition of Philippine Manufacturers of PPE (CPMP) at Confederation of Wearable Exporters of the Philippines (CONWEP) para sa mga PPE. Ayon pa sa DOH, sa ilalim ng ratified version ng Bayanihan to Recover as One Act, ang local manufacturers ng PPE ang prayoridad sa pagsusuplay sa mga ospital. May pondo itong P3.1 bilyon na kasama sa COVID-19 response budget.

Ayon sa CPMP, hiniling sa kanila ng gobyerno na gumawa sila ng medical grade PPE sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020. Tumalima sila at limang local na kompanya ang namuhunan ng US$35 milyon para sa produksiyon ng PPE subalit nagpataw diumano ang gobyerno ng ilang rules sa pagbili ng PPEs at binalewala ang mga locally-made PPEs.

Hanggang sa lumutang ang iniimbestigahan ngayong Pharmally Pharmaceuticals Corporation na nakakopo ng bilyong pisong kontrata sa gobyerno para mag-suplay ng PPEs. Hindi dumaan sa bidding ang Pharmally. Kinukuwestiyon ng Senado ang overpriced na face masks. Ang mga produkto ng Pharmally ay nanggagaling din sa China.

Kung local manufacturers ang nagsuplay ng PPEs, tiyak ang trabaho ng mga Pilipino. Makakabawas sa dami ng mga unemployed at walang magugutom na pamilya.

Bakit kailangang iisang kompanya na kuwestiyunable pa ang pagkakakilannlan ang piniling magsuplay gayung marami pang iba na tiyak magbibigay ng kabuhayan sa mga Pinoy.

vuukle comment

PPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with