^

Punto Mo

EDITORYAL - Face masks pollution

Pang-masa
EDITORYAL - Face masks pollution

NAGHAHATID ng pangamba ang mga nagkalat na ginamit na face masks sa kalsada. Mula nang manalasa ang pandemya noong Marso ng nakaraang taon, hindi lamang mga plastic na basura ang makikita ngayon sa kalsada kundi pati na ang face masks. Itinapon ng mga walang disiplinang mamamayan sa halip na ilagay sa isang selyadong basurahan at maayos na ipahakot sa trak ng basura. Dahil sa rami nang gumagamit ng face masks na walang disiplina at tapon lang nang tapon, hindi nakapagtatakang kakalat pa ang COVID-19 at mananatili pa ng ilang taon sa pamayanan.

Karaniwang ang mga nakakalat na face masks sa kalsada ay nalaglag sa garbage truck. Dahil hagis lamang nang hagis ang mga basurero sa kinukolektang basura sa bawat bahay sa Metro Manila, hindi na nila binibigyang pansin kung maglaglagan man ang inihagis na basura na ang laman ay ginamit na face masks at mayroon ding face shields. Kailangang siguruhin na nakatali nang mahigpit ang garbage bag bago ibigay sa mga basurero. Sa ganitong paraan maiiwasan ang pagsabog ng laman ng garbage bag.

Hindi lamang sa kalsada makikita ang mga nagkalat na face masks kundi pati na rin sa mga estero. Kapag bumaha, tatangayin ng agos ang mga face masks na tinapon sa kalsada at hahantong sa estero o mga sapa. Mula rito, hahantong ang basurang face masks sa dagat kasama ang iba pang basurang plastic.

Ebidensiya na nakarating na sa pusod ng dagat ang face masks ay nang makunan ng scuba divers ang mga ito na nasa sea bed at ang iba pa ay nasa corals. Patunay na ang kawalang disiplina sa pagtatapon ng face masks ay naghahatid na rin ng pinsala hindi lamang sa pamayanan kundi pati na rin sa mga yamang dagat. Hindi na nakapagtataka kung ang mga balyena ay nakakakain na rin ng face masks at maaaring ikamatay ng mga ito.

Dumami ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura at lumubha pa ngayong pandemya. Tapon dito, tapon doon nang ginamit na face masks.

Kailangang magkaroon ng kamay na bakal sa magtatapon ng basura. Kung hindi magiging matigas sa pagpapatupad ng batas sa pagtatapon ng basura parti­kular ang face masks, kakalat ang sakit at walang ibang kawawa kundi ang mamamayan mismo.

vuukle comment

POLLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with