^

Punto Mo

Mga nangholdap sa banko sa Brazil, itinali ang hostages sa labas ng get-away vehicle

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

UPANG hindi sila paputukan ng mga tumutugis na pulis, itinali ng mga holdaper ng banko sa Brazil ang kanilang mga hostage sa labas ng kanilang mga sasakyang ginamit sa pagtakas.

Makikita sa kuhang video mula sa isang mataas na apartment sa Araçatuba, Brazil ang mabagal na pag-andar ng get-away vehicles ng mga holdaper, habang nasa tuktok at harapan nito ang ilan sa kanilang mga hinostage.

Bukod sa paggamit ng mga human shield, nagkalat din ng patibong ang mga holdaper sa buong Araçatuba at gumamit din sila ng drone upang mamonitor ang mga lansangan sa lugar.

Ayon sa mga pulis, nasa 15 hanggang 20 ang mga suma-lakay na holdaper sa dalawang banko noong Lunes.

Sa huling report, tatlo na ang kumpirmadong patay sa pangyayari, isa rito ay bank robber at dalawang sibilyan.

 

vuukle comment

BRAZIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with