^

Punto Mo

Mga ‘bayaning’, nagpoprotesta

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kahapon kasabay sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani­, binigyang pugay  ang ating mga healthcare workers na mahigit isang taon silang ‘frontliners’ sa laban sa pandemya dahil sa COVID-19.

Pero kahapon din, umarangkada na at itinuloy nila ang kani­lang kilos-protesta.

Marami sa mga healthcare workers buhat sa iba’t ibang paga­mutan mapa-pribado at mapa-pampubliko naglaan ng oras sa ‘walk-out’at nag- noise barrage.

Iisa ang isinisigaw ng mga ito, ibigay ang karampatang benepisyo na dapat sa kanila.

Pasimula pa lang pala yan ng gagawing mga pagkilos ng ating mga healthcare workers, marami pa silang inilatag na pag-aksyon para sila mapakinggan.

Marahil matagal na ring nagtimpi ang mga ito, na bagama’t alam na alam naman natin na talagang may nakalaang pondo sa mga sinasabi nilamg benepisyo, ang tanong bakit nga naman hanggang ngayon eh hindi pa ito napapasakamay ng marami.

Mistulang ang matinding pagod ng mga ito, eh nadagdagan pa ng matinding galit. Pakiramdam nila mukhang hindi sila pinakikinggan ng pamahalaan.

Sa kabila ng kanilang matinding hinaing, hindi pa rin nila iniiwan ang kanilang tungkulin.

Bagama’t nagpoprotesta, lalabas sandali para magprotesta, babalik uli sa kanilang pagdu-duty.

Nauna nang iniutos ni Pangulong Digong na ibigay ang hininging karampatang benepisyo ng mga healthcare workers, eh bakit nga hanggang ngayon meron pa rin na hindi nakakatanggap?

Abay talagang may matinding pagkukulang, Pangulo na ang nag-utos tila babagal-bagal.

Matindi na ang laban natin sa COVID, wag na sanang lumala ang sitwasyon at pati ang mga nakakatulong para ito malabanan eh magsilayasan. Baka lalong hindi kayanin kapag nagkaganyan.

Baka imbes na mabawasan ang bilang ng nagkakasakit dahil sa virus, eh hindi na muli makontrol ang pagtaas dahil lamang sa hindi naaruga kasi wala ngang mag-aaruga.

 

vuukle comment

PROTEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with