^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi na mapipigilan galit na health workers

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi na mapipigilan galit na health workers

TULOY ang protesta ng health workers sa Setyem­bre 1. Hindi lamang ang mga nasa pribadong hospital ang magsasagawa ng protesta kundi maging ang mga nasa pampublikong hospital. Ang protesta ay para ipakita sa pamahalaan ang kanilang matagal nang idinaraing na ipagkaloob na sa kanila ang mga benepisyo ganundin ang kanilang hazard pays, special risk allowance at kanilang allowance para sa pagkain, tirahan at transportasyon.

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ni President Duterte sa Department of Health at Department of Budget and Management na ibigay na sa healthcare workers ang mga hinihinging benepisyo at allowances. Binigyan ng 10 araw ang DOH at DBM para tuparin ang kautusan. Pero sabi ng mga grupo ng HCWs, hindi pa rin naibibigay ang kanilang hinihingi. Ayon naman sa DOH, kailangan munang mai-ammend ang guidelines para maibigay ang mga benepisyo at allowances. Hindi naman ito maunawaan ng HCWs sapagkat noong nakaraang taon pa nila hinihintay ang kabayarang ito. Nasa P11 bilyon umano ang hindi nababayarang benepisyo at SRA ng HCWs. Sa 1.8 milyong HCWs, maliit na porsiyento pa lamang ang nabibigyan ng benepisyo at allowances.

Kahapon, nagsagawa ng protesta ang HCWs sa Tondo General Hospital. Marami sa kanila ang gigil na gigil na sapagkat hindi pa nila natatanggap ang mga pinangakong benepisyo.

Noong Miyerkules, nagprotesta na ang HCWs sa Jose Reyes Memorial Medical Center. Hinihi-ling nila na i-release na ang kanilang hazard pay, special risk allowances at ang allowances para sa pagkain at iba pa.

Noong Huwebes, nagprotesta rin ang HCWs sa Philippine General Hospital at kaparehong reklamo rin ang kanilang isinisigaw: bayaran na ang kanilang benepisyo.

May pribadong hospital din na nagsagawa ng protesta dahil din sa hindi pagbibigay ng bene-pisyo at mga allowances. Reklamo rin ang maliit na suweldo ng mga nurses gayung sobra-sobra ang kanilang oras ng trabaho.

Nasaan na ang pangakong ibibigay ang benepis­yo? Hihintayin pang magprotesta o mag-mass re-signation? Huwag kawawain ang mga HCWs!

vuukle comment

HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with