^

Punto Mo

Farmer sa Australia, bumuo ng higanteng puso gamit ang mga alagang tupa para sa namayapang tiyahin

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL hindi makadalo sa lamay ng kanyang tiyahin, bumuo na lang ng isang dambuhalang puso ang isang magsasaka sa Australia sa tulong ng kanyang mga alagang tupa.

Hindi kasi nagawang bisitahin ni Ben Jackson ang kanyang Aunt Debby sa mga huling araw nito ng pakikipaglaban sa cancer.

Nang namayapa na ito, hindi pa rin siya makadalo sa lamay dahil sa mga COVID restrictions na pumipigil sa kanyang magbiyahe mula New South Wales papuntang Brisbane.

Naisip ni Jackson na bumuo na lang ng isang higanteng puso sa kanyang taniman sa tulong ng kanyang mga alagang tupa.

Inilatag niya ang mga pa-kaing damo sa porma ng isang dambuhalang puso kaya nang pinakawalan na niya ang mga tupa, kusang bumuo ang mga ito ng nasabing hugis.

Drone ang kumuha sa ma-laking puso na binubuo ng mga tupa at pinalabas ang kuhang video sa lamay ng Aunt Debby ni Jackson.

Dati nang ginagawa ni Jackson ang pagbuo ng mga higanteng imahe gamit ang mga alaga niyang tupa at aliw na aliw raw ang Aunt Debby niya sa mga ito.

Ito ang dahilan kung bakit ang unang pumasok sa kanyang isip para gunitain ang alaala ng namayapang tiyahin ay ang pagbuo ng isang higanteng puso sa pamamagitan ng kanyang mga tupa.

 

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with