^

Punto Mo

‘Plantita’ sa Amerika, nagulat nang malamang plastic pala ang inalagaan niyang halaman sa loob ng 2 taon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAG-VIRAL at kinatu­waan ang isang house-wife sa California matapos niyang i-post sa Facebook ang tungkol sa halamang succulent na inalagaan at diniligan niya sa loob ng dalawang taon ay plastic pala!

Nalaman ni Caelie Wilkes na hindi pala totoo ang succulent plant na kanyang inaalagaan matapos niyang subukan na ilipat ito sa mas malaking paso.

Sa una, nagtaka siya kung bakit nahirapan siyang bunutin ito sa pagkakatanim pero nang mabasag ang orihinal na paso nito, saka niya nakita na hindi lupa ang pinagtatamnan nito kundi isang bloke ng styropoar na may naka-glue na buhangin para magmukhang totoo!

Walang nagawa si Wilkes kundi matawa sa sarili sa kung paano niya inalagaang mabuti ang pekeng halaman. Hindi na nabanggit ni Wilkes kung saan niya nabili o paano napunta sa kanya ang halaman.

Ayon din kay Wilkes, pakiramdam niya, nasayang ang dalawang taon na pag-aalaga sa halamang succulent.

Dahil sa kakatwa niyang karanasan, na-feature siya sa mga malalaking news agencies sa U.S. tulad ng Fox News at New York Post.

Marami rin ang nag-comment sa kanyang Facebook post na hindi siya nag-iisa sa ganitong klaseng pagkakamali dahil mahirap naman daw talagang malaman kung totoo o gawa sa plastic ang mga halamang succulent.

Natuwa naman si Wilkes nang pinaldahan siya ng iba’t ibang succulent plant ng isang sikat na home improvement store chain bilang kapalit ng plastic niyang halaman.

 

 

vuukle comment

AMERIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with