^

Punto Mo

Matagal na pagtira sa lupang may titulo, maari bang basehan ng pag-angkin nito?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Tama po ba ang sabi ng mga umookupa ngayon sa lupa namin na sa kanila na raw iyon dahil matagal na silang nakatira roon? Mga 40 years na po silang naninirahan doon sa lupa, na titulado naman sa pangalan ng aming mga lolo’t lola. —Amy

Dear Amy,

Sa ilalim ng tinatawag na Torrens system of land titles, kahit pa isang libong taon pa okupahin ng ibang tao ang isang lupa, hindi ito mapapasakanila kung titulado na ito dahil lamang sa tagal ng paninirahan nila. Nasa ilalim na ng Torrens title ang lupa kaya hindi na basta-basta maaagaw ang ownership nito mula sa sinumang nakarehistro sa titulo.

Maari lamang magbunga ang pag-okupa ng matagal kung ang lupa ay hindi pa titulado at ito ay alienable at disposable, na ang ibig sabihin ay hindi ito public land at maaring isailalim sa pribadong pag-aari.

Sa ganyang pagkakataon ay maaring mapasakamay ng isang occupant ang lupang kanyang inookupa kung 10 taon na siyang hayagang naninirahan doon sa paniniwalang siya ang may-ari nito sa simula pa lang at wala namang ibang nag-aangkin sa lupang kanyang tinitirhan.

Kung alam naman niyang maraming ibang nag-aangkin sa lupa ay kailangang umabot sa 30 taon na tuluy-tuloy na hayagang paninirahan ang kanyang gawin bago mapunta sa pagmamay-ari niya ang lupa.

Ngunit para lamang ang mga nabanggit sa  mga lupang walang titulo at hindi public land na maaring isailalim sa private ownership. Dahil titulado na naman ang lupa sa pangalan ng inyong lolo’t lola ay hindi maaring mapunta sa mga umookupa doon ang pagmamay-ari ng lupa base lamang sa tagal ng kanilang paninirahan doon.

vuukle comment

PROPERTIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with