^

Punto Mo

Biyaheng baklas-kabit

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

PUWEDE nga rin kayang baklasin ang mga piyesa ng ating katawan at muli itong pagkabit-kabitin o buuin?  Maitutulad din ba sa mga computer, telebisyon at kotse ang katawan ng tao na puwedeng i-disassemble at muling i-assemble?

Ilang scientist na ang nagtatangkang i-eksperimento ang tinatawag na Teleportation. Iyong katulad ng napapanood natin sa mga science fiction na pelikula o palabas sa telebisyon  o nababasa sa libro  na ang mga tao ay puwedeng makarating nang mabilis sa isang lugar nang hindi na mangangailangan ng anumang klase ng sasakyan.

Bigla kang mawawala sa kinatatayuan mo at bigla kang lilitaw sa ibang lugar. Kung nasa Baclaran ka,  makakarating ka sa Cubao sa loob ng isang segundo kahit hindi ka sumakay sa LRT o mag-taxi. Puwede ka nang makarating sa Boracay o magpalamig sa Baguio nang hindi na kailangang sumakay sa eroplano.

Ewan lang kung papayag halimbawa ang Amerika, sakaling magkatotoo ang Teleportation, na makakarating ka agad ngayon sa New York kahit hindi ka na pumila sa U.S. Embassy para kumuha ng visa.

Sa pagkakaalam ko, may ilang scientist na ang nagawang makapaglipat ng liwanag o mga atom (maliliit na particle na bumubuo sa lahat ng bagay) sa ibang lugar sa pamamagitan ng Teleportation.

Pero may mga eksperto na nag-aagam-agam sa naturang teknolohiya sakaling magtagumpay, umunlad at gamitin ito sa tao. Dito raw kasi, paghihiwalayin, pagbabaklasin ang lahat ng malalaki o maliliit na bahagi ng katawan ng isang tao sa isang lugar bago ito mailipat at muling mabuo, kasama na ng kanyang utak at pagkatao at kaisipan, sa ibang lugar.

Parang pinatay ang isang tao at muling binuhay. Dudurugin ng liwanag ang utak at puso, matatanggal ang mga ugat sa mga kalamnan, matatanggal at magkakapira-piraso nang malilinggit ang mga kamay at paa at iba pang bahagi ng katawan bago ito dalhin sa malayong lugar at muling buuin.

Magandang panoorin sa pelikula ang mga likhang-isip na Teleportation pero paano kaya ito tatanggapin ng sangkatauhan kung magkatotoo ito sa aktuwal na buhay? Dalawang aparato raw ang kailangan sa Teleportation. Ang una ay yung magbabaklas sa lahat ng “piyesa” ng katawan ng isang tao  at maghahatid sa kanya sa  ibang lugar at ang pangalawa ay yung tatanggap  at magbubuo muli sa kanyang katawan.

Malaking problema kapag isa man lang sa mga piyesang ito ay hindi nabuo sa pangalawang aparato. Paano nga naman kung ilang bahagi ng utak ang hindi napasama o kaya ay naiwan sa unang aparato ang iyong mga kamay? 

Siguro, magandang pampaalala rin o panakot yung isang lumang pelikulang Ingles, may ilang dekada na ang nakakaraan na, sa istorya, isang scientist ang sumubok na idaan sa teleportation ang kanyang sarili. Kaso, may naligaw na langaw sa pinasukan niyang aparato. Nang mabuo siyang muli sa pangalawang aparato, taglay na ng kanyang pagkatao ang mga katangian ng isang langaw. At ang masaklap, naging taong-langaw siya! 

Email: [email protected]

vuukle comment

CAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with