^

Punto Mo

Mangingisda sa Egypt, bumara sa lalamunan ang nabingwit na isda!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Egyptian na ma-ngi­ngisda ang muntik nang mamatay nang bumara sa kanyang lalamunan ang nabingwit niyang isda!

Ikinagulat ng mga doktor sa isang ospital sa Beni Suef, Egypt nang malaman nila na ang lalaking isinugod sa kanilang emergency room na may sintomas na hirap sa  paghinga at hindi makapagsalita ay may nakabarang isda sa lalamunan.

Nang isinailalim sa X-ray ang mangingisda, napag-alaman na nakabara ang isang buhay na isda sa kanyang trachea at mayroon lamang itong maliit na espasyo para makadaan ang hangin upang makahinga ang lalaki.

Sumailalim sa endoscopic surgery ang mangingisda.

Naging matagumpay ang operasyon at ayon kay Dr. Ali Al-Hajri, ang EENT specialist na nag-opera, buhay pa ang isda nang matanggal ito sa lalamunan ng mangingisda.

Nang tanungin ang 40 anyos na mangingisda kung paano ito bumara sa kanyang lalamunan, ipinaliwanag niya na dalawang fishing rod ang gamit niya sa pamimingwit. Kahuhuli lamang umano niya sa isang maliit na isda nang biglang gumalaw ang pangalawa niyang bingwit.

Dahil nanghihinayang siya na makawala ito, inilagay niya ang maliit na isda sa kanyang bibig para mahawakan ang pangalawang bingwit.

Pero biglang umalog ang kanyang bangka dahil sa alon kaya tuluyan nang pumasok sa kanyang bibig ang maliit na isda at bumara sa lalamunan.

Sa kasalukuyan, ligtas na sa panganib ang mangingisda dahil minor bleeding lamang ang natamo niya mula sa operasyon.

vuukle comment

EGYPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with