^

Punto Mo

EDITORYAL - Siguruhing lahat ay makatatanggap ng ayuda

Pang-masa
EDITORYAL - Siguruhing lahat ay makatatanggap ng ayuda

NGAYONG araw na ito ipamamahagi ang perang ayuda para sa mga residente ng Metro Manila na apektado ng lockdown. Tatanggap ng P1,000 bawat indibidwal at P4,000 bawat pamilya. Nasa 10.9 milyong residente ng MM ang tatanggap ng ayuda. May kabuuang P10.894 bilyon ang pondong ipamamahagi. Ayon sa Malacañang, ang pondo ay nanggaling sa 2020 savings at dividends. Utos ni President Duterte na ipamahagi ang ayuda sa loob ng 15 araw. Ang enhanced community quarantine (ECQ) sa MM at iba pang probinsiya ay nagsimula noong Agosto 6 at matatapos sa Agosto 20. Ang pagsasailalim sa ECQ ay dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 Delta variant. Noong Lunes, sinabi ng Department of Health (DOH) na nasa “high risk” na uli ang Pilipinas sa COVID-19. Kahapon, maraming ospital ang nagdeklara na “full” na sila ng pasyente.

Malinaw ang kautusan na ipamahagi sa loob ng 15 araw ang ayuda. Nararapat na sumunod ang local government units (LGUs) sa direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang pamamahagi ng ayuda ay nakasaad sa memorandum na nilagdaan ng DILG, DSWD, DND. Ayon sa Metro Manila Council (MMC), ma­aaring makapamili ang LGUs kung ano ang nais nilang paraan para mapabilis ang pamamahagi ng ayuda sa mga kuwalipikadong residente. Ayon kay MMC chairman at Parañaque City Mayor Edwin­ Olivarez, puwedeng ipamahagi ang ayuda sa pama­magitan ng electronic wallet o face-to-face.

Mas maganda kung electronic wallet ipamahagi para maiwasan ang kumpul-kumpol at mahabang pila. Wala ring mangyayaring corruption kung ga­nito ang sistema. Hindi na daraan kung kani-kaninong kamay ang pera na dahilan para makupitan o manakawan.

Siguruhin naman na mabibigyan lahat ang kuwalipikadong residente. Hindi dapat matulad noong nakaraang taon na marami ang hindi nakatanggap at umuwing luhaan. Maging maayos sana ngayon ang pamamahagi ng ayuda.

 

vuukle comment

FINANCIAL ASSISTANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with