^

Punto Mo

Plastic bag na may lamang hangin mula sa concert ni Kanye West, naibenta ng $7,600!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINAG-UUSAPAN sa iba’t ibang social media websites ang isang plastic bag na ang tanging laman ay hangin ngunit nabenta sa halagang $7,600 (katumbas ng P377,000) sa online auction site na eBay!

Ayon sa eBay seller na may username na imacanon16canz, ang hangin na laman ng plastic bag ay mula sa DONDA listening event ng sikat na American rapper, singer, songwriter, fashion designer na si Kanye West na ginanap sa Mercedez-Benz stadium sa Atlanta, Georgia noong Hulyo 22, 2021.

Limitado at mabilis na-sold out ang mga ticket sa listening event kaya maraming fans ni Kanye West ang hindi nakapanood ng live at nagtiyaga na lang panoorin ito sa pamamagitan ng pag-stream sa isang music app na nakapagtala ng tatlong milyong viewers.

Dahil dito naisipan ng nasabing eBay seller, na masuwerteng nakabili ng ticket, na ipunin sa isang resealable plastic bag ang hangin mula sa event.

Nagsimula sa $3,330 ang starting bid nito at wala pang biente kuwatro oras ay umabot na ang subasta sa halagang $7,600 at ito na ang naging winning bid.

Hindi ito ang unang beses na sinubasta sa malaking halaga ang hangin mula sa concert ni Kanye West, dahil noong 2015, may nakapag-benta ng plastic bag na may hangin mula sa Yeezus concert niya sa halagang $65,000.

 

vuukle comment

KANYE WEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with