^

Punto Mo

Simpleng Tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Mainam din na paminsan-minsan ay maging mapagduda ka.

2. Laging may paraan sa lahat ng bagay. Iyon lagi ang hanapin.

3. Parehong pakisamahan ang taong lagi kang kinokontra at taong bilib na bilib sa iyo. Pangbalanse rin iyon ng iyong buhay.

4. Huwag i-photoshop ang picture mo. Sarili mo lang ang niloloko mo. Huwag mong i-post kung napapangitan ka.

5. Tanggapin nating may pagkakataong nagiging tanga tayo. It’s a sign of growth.

6. Sumama ka sa mga taong tiyak laging magsasabi sa iyo ng totoo kahit pa ano ang mangyari.

7.  Magbasa ng mga biographies. Nagbibigay ito ng inspirasyon.

8. Mag-aral magluto, umakyat sa puno at lumangoy. O kahit isa lang sa nabanggit.

9. Huwag ka masyadong matuwa kung marami kang Twitter/Instagram followers at Facebook friends, hindi ka nila mabibigyan ng init kapag malamig ang gabi.

10. Malaki ang nagagawa ng magandang haircut.

11. Huwag katakutan ang Diyos. Iwasang takutin ang bata gamit ang Diyos para mag-behave.

12. Tumaya once a week sa lotto. Nakatulong ka na sa charity, binigyan mo pa ng chance ang iyong sarili na maging milyonaryo.

13. Tularan si Hesus, huwag ang kanyang disipulo.

14. Huwag magtanong ng ‘Okey ka lang?’ kung nakikita mong problemado na ang hitsura ng tao.

15. Sa handaan: Gaano ka man kahirap at kapatay gutom, huwag kang magpapahalata. Sapat lang ang ilagay sa pinggan at tumigil kung natanggal na ang iyong gutom. Importante pa rin ang dignidad.

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with