^

Punto Mo

Umookupa sa lupang hindi naman niya pag-aari, maari bang puwersahang paalisin?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ano po ba ang remedyo dito sa aking kamag-anak na ayaw umalis sa lupang pagmamay-ari ko? Pinatira ko lang sila pansamantala para sila ang magbantay sa lupa, sa pag-aakalang aalis din sila kaagad kapag sisimulan ko nang ipagawa ang aking bahay. Maari ko po ba silang puwersahang paalisin? —Ric

Dear Ric,

Maaring ikaw pa ang makasuhan kung gagamit ka ng dahas sa pagpapaalis ng mga kamag-anak mo. Ang kailangan mong gawin ay mag-file ng kasong unlawful detainer sa Metropolitan/Municipal Trial Court na nakakasakop sa lupang inookupa ng mga kamag-anak mo.

Malinaw kasi ang nakasaad sa Article 539 ng Civil code: “[e]very possessor has a right to be respected in his possession; and should he be disturbed therein he shall be protected in or restored to said possession by the means established by the laws and the Rules of Court.” Ibig sabihin, kailangang irespeto ang pag-okupa ng isang indibidwal sa isang ari-arian, mapasakanya man ito o hindi at mapaaalis lamang siya sa pamamagitan ng prosesong alinsunod sa batas.

Sa sitwasyon mo, ang pagsasampa ng unlawful detainer ang legal na paraan upang mapaalis mo ang iyong mga kamag-anak na illegal na umookupa ng iyong lupa. Angkop ang pagsasampa ng kasong unlawful detainer kapag ang kasalukuyang umookupa ng property ay dating may pahintulot na manatili roon ngunit ang pahintulot na ito ay paso na  o binawi na pero sa kabila nito ay hindi pa rin siya lumilisan kahit pinapaalis na siya ng may-ari.

Ang una among gawin ay padalhan ang mga umookupa ng iyong lupa ng sulat kung saan nakasaad ang pagpapaalis mo sa kanila. Kung sa kabila ng pagtanggap nila sa sulat ay hindi pa rin sila umalis, magpunta ka na sa barangay upang doon kayo magharap. Kung pagkatapos ng pag-uusap sa barangay ay hindi pa rin nila nililisan ang iyong property ay doon ka na maaring magsampa ng kaso ng unlawful detainer sa korteng may sakop ng lupang inyong pinag-aawayan.

vuukle comment

PROPERTIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with