^

Punto Mo

Kakaibang Eba (139)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG lumabas si Inay Encar sa kuwarto nito at magtama ang paningin nila ni Mama Nitz, ay kapwa sila hindi maka­paniwala. Nasa kanilang mga mukha ang pagkagulat at ilang segundo silang hindi nakahuma. Para bang napipi sila sa pagkakataong iyon.

Si Mariz at Piolo ay labis din naman ang pagtataka sa napansing reaksiyon sa kani-kanilang mga ina. Bakit kaya kapwa nagulat ang mga ito nang makita ang isa’t isa. Ano ang nang­ya­yari sa mga ito?

‘‘Encar!’’ sabi ng mama ni Piolo.

‘‘Nitz! Ikaw nga ba si Nitz?’’ sabi naman ng inay ni Mariz.

‘‘Ako nga! Ako nga si Anita o Nitz na kaibigan mo, Encar.’’

‘‘Nitzzzz!’’ sigaw ni Inay Encar.

Mabilis na nakalapit si Mama Nitz sa kaibigang si Inay Encar­ na nasa wheelchair at mahigpit itong niyakap. Nag-iyakan pa ang mga ito.

‘‘Bakit ngayon lang tayo nagkita, Nitz? Ang tagal kong dinasal sa Diyos na sana ay magkita tayo. Mahabang panahon na mula nang tayo ay huling magkita.’’

“Oo nga Encar. Ang huling pagkikita natin ay nasa kolehiyo pa tayo. Pagkatapos ng graduation natin ay hindi na tayo nagkita. Saan ka ba naglagi at hindi na kita nakita.’’

‘‘Dito na ako sa probinsiya naglagi, Nitz. Nagturo ako sa public school dito hanggang sa nakapag-asawa. Tumigil ako sa pagtuturo at naging maybahay na lamang. Dalawa ang aming anak. Tinulungan ko rin ang aking mister sa pag-aasikaso sa aming bukid. Hanggang sa mamatay siya at ako naman dahil sa biglaan niyang pagkawala ay na-stroke. Pero mabuti na naman ako ngayon. Sumasailalim ako sa physical therapy. Si Mariz at ang apo kong babae ang matiyagang nag-aasikaso sa akin. Kung wala si Mariz hindi ko makakaya ang lahat,’’ sabi ni Inay Encar at muling umiyak.

Napaiyak din si Mama Nitz. Si Mariz naman ay natangay at umagos din ang luha sa pisngi.

‘‘E ikaw naman Nitz, kumusta ka? Ang ganda-ganda mo pa rin. Parang hindi ka tumatanda,’’ sabi ni Inay Encar pagkatapos umiyak. Nakangiti na siya.

“Biyuda na rin ako Encar. Ang napangasawa ko ay editor sa diyaryo. Nagturo ako sa isang unibersidad. Dalawa ang aming anak at ang bunso ay si Piolo. Sa awa ng Diyos ay maayos naman ang kalagayan ko.’’

“Maligayang-maligaya ako Nitz at nagkita tayo. Sino ba ang makapagsasabi na magkikita tayo dahil sa ating mga anak. Parang mahirap paniwalaan ano, Nitz?”

“Oo nga Encar. Pero alam mo ba na mayroon akong kaka­ibang feeling mula nang sabihin sa akin ni Piolo na mayroon siyang siyota na ang pangalan ay Mariz. Nang magkaroon sila ng tampuhan at nagkalayo, nagpursigi ako na kumbinsihin si Piolo na hanapin si Mariz. Kaya pala ganun ang nararamdaman ko e dahil ikaw ang Inay niya. Ang mga anak natin ang naging dahilan para muli tayong magkita. Masayang-masaya ako Encar.’’

“Ganundin ako Nitz. Sobrang saya ko.’’ (Itutuloy)

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with