^

Punto Mo

Kayamanan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG lalaki ang naglalakad sa kagubatan nang may madaanan siyang malalim na hukay. Tumigil siya at nasilip na may isang bag na puno ng nangingintab na gintong mga alahas. Tinangka niyang abutin ang bag sa pamamagitan ng pagdapa sa lupa ngunit maikli ang kanyang braso para maabot ito.

Naisip niyang maghanap ng mahabang sanga ng punongkahoy para ipangsungkit ng bag ngunit nabigo rin siya. Masyadong mabigat ang bag kaya kapag nasungkit ng sanga, big­lang nalalaglag ang bag bago pa man maiahon ito ng lalaki. Sa sobrang pagod, sumuko ang lalaki sa pagsungkit ng kayamanan.

Sa paglalakad ng lalaki, may nakasalubong siyang matandang lalaki. Sinabi niya sa matanda ang tungkol sa malalim na hukay.

“Lolo interesado ka bang magkaroon ng kayamanan?”

“Siyempre, sino ba ang ayaw sa kayamanan.”

“Kung ipagpapatuloy mo ang iyong paglalakad ay may madadaanan kang isang ma­laking puno. Sa tabi noon ay may malalim na hukay kung saan sa ilalim ay may isang bag ng gintong alahas.”

“Bakit hindi mo kinuha?”

“Hindi ko ito maabot. Kahit gumamit ako ng pangsungkit ay nabigo akong makuha. Subukan mo pong kunin. Sayang naman kung mananatiling nasa hukay ang kayamanan.”

Ang matandang lalaki ay nagpunta sa hukay na may kayamanan. Pinag-aralan niya kung ano ang dapat gawin upang maiahon ang kayamanan.

Dali-dali siyang umuwi sa bahay at saka muling bumalik sa kagubatan. Bumalik siya na bitbit ang mahabang lubid na may hook sa dulo. Ito ang ibinaba niya sa tapat ng bag kaya ang resulta ay naiahon niya ang kayamanan nang walang kahirap-hirap.

Success is more a function of consistent common sense than it is of genius. – An Wang

vuukle comment

JEWELRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with