^

Punto Mo

Kakaibang Eba (138)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MATUTUWA ka sa lugar nina Mariz, Mama,’’ sabi ni Piolo habang nagbibiyahe sila. Nasa South Luzon Expressway na sila.

“Talaga? Ano bang meron silang produkto roon?’’

“Marami ‘Ma. Magsasawa ka.’’

‘‘Meron ba roong dalag? Gusto ko ng adobong dalag sa gata.’’

“Napakarami ‘Ma. Dun sa bukid nina Mariz, maraming dalag. Nakahuli nga ako. Madulas pala ang dalag.’’

“Puwede ba akong mag-request kay Mariz na adobong dalag ang ulam ko sa lunch?’’

“Oo ‘Ma.’’

“Gusto ko rin sana ay bagong ani na kanin ang kapartner ng adobong dalag.’’

“Matutupad ang gusto mo Ma. Marami silang bagong ani. Sabi ni Mariz, magaganda ang variety ng palay na kanyang itinatanim.’’

“Nagtatanim ng palay si Mariz?’’

‘‘Oo. Sanay siyang mag-hand tractor. Siya ang mag-isang nagbubukid. Mula nang mamatay ang kanyang ama, siya na ang humarap sa mga gawain sa bukid.”

“Talaga? Kakaibang babae pala talaga si Mariz. Sabi ko na nga ba at siya ang babaing idinadasal ko para sa’yo Piolo. Salamat at natagpuan mo siya.’’

“Napakasipag ni Mariz. Siya lahat ang nag-aararo ng kanilang bukid.’’

“Masuwerte ka Piolo. Nakita mo ang isang babaing karapat-dapat sa iyo.’’

‘‘Kaya nga hindi ko na siya pakakawalan pa.’’

Makalipas ang dalawang oras, narating na nina Piolo ang bayan nina Mariz. Pagpasok sa bayan, tuwang-tuwa ang mama ni Piolo nang makita sa gilid ng kalsada ang mga nagtitinda ng kung anu-anong prutas. Pawang sariwa. Bagong pitas ang lansones, suha, bayabas, duhat, papaya, pakwan, lakatan at marami pang iba.

Makalipas pa ang labinlimang minuto, narating na nila ang bahay nina Mariz.

Nasa gate na sina Mariz at pamangkin nitong babae at inaabangan sina Piolo.

Nang makita ni Mariz ang mama ni Piolo ay tuwang-tuwa ito na nagmano.

‘‘Ang ganda mo po pala Mama Nitz.’’

‘‘Ikaw din Mariz. Napakaganda mo. Talagang walang katulad ang ganda mo.’’

“Salamat po Mama Nitz.’’

“Teka Mariz, nasaan ang iyong Inay Encar?’’

‘‘Nasa loob po ng bahay. Halikayo sa loob.’’

Pumasok sila.

“Inay Encar narito na sina Piolo at Mama Nitz,’’ tawag ni Mariz sa ina.

Lumabas si Inay Encar. (Itutuloy)

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with