^

Punto Mo

Kakaibang Eba (136)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG name ng mama mo, Piolo?’’ tanong ni Mariz.

“Anita. Kung tawagin siya’y Nitz.’’

Biglang nagsalita si Inay Encar nang marinig ang pa-ngalang Nitz.

‘‘May kaibigan akong Nitz noong araw. Hindi ko na lamang alam kung nasaan na siya ngayon.’’

Nagtawa si Mariz at tinapik-tapik si Inay Encar sa braso.

‘‘Maraming may pa-ngalang Nitz, Inay.’’

“Ah oo nga pala. Bigla ko lang kasing naalala dahil nabanggit ang Nitz.’’

Binalingan ni Mariz si Piolo.

‘‘Gusto ko ring makita ang mama mo Piolo. Parang bigla kong naramdaman na gusto ko siyang makita para yakapin.’’

“Mukhang magkakasun-do kayo ni Mama Mariz. Talagang type ka niya. Alam mo bang kapag kami ay nag-uusap, lagi ka niyang binabanggit. Hanapin daw kita. Kaya talagang pinagpilitan na kitang hanapin.’’

‘‘Kailan mo isasama rito si Mama Nitz, Piolo?’’

‘‘Sa lalong madaling panahon. Bukas uuwi ako at sa kinabukasan, babalik kami rito.’’

“Pinaligaya mo ako Pio­lo.’’

KINABUKASAN, umuwi na sa Maynila sina Piolo at Manong Berto.

Masayang ibinalita ni Piolo sa kanyang mama na nakita na niya si Mariz. Tuwang-tuwa ang kanyang mama.

‘‘Salamat sa Diyos.’’

‘‘Bukas pupunta tayo sa kanila Mama. Gusto kang makita ni Mariz at ng kanyang mama na si Inay Encar.’’

‘‘Encar?’’

‘‘Bakit ‘Ma?’’

 (Itutuloy)

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with