^

Punto Mo

Kakaibang Eba (135)

Ronnie M. Halos - Philstar.com

NANG dumating sina Pio-lo sa bahay nina Mariz, agad siyang nagmano kay  Inay Encar at hiningi ang permiso nito para sila makasal.

“Napatawad na po ako ni Mariz, Inay Encar at sa sandali pong ito ay hihingin ko ang inyong permiso para kami ay makasal. Nagkasundo na po kami at nanga­ngako po ako na hindi na mauulit ang ginawa kong pag-aakusa sa kanya. Labis na akong nagsisi at nangangako na hinding-hindi ko iiwan si Mariz. Kamatayan lamang po ang makapaghihiwalay sa amin. Sana po ay payagan mo kami, Inay Encar.’’

“Aba oo naman. Pinapayagan ko kayo sa inyong balak. Nagkasundo na pala kayo kaya walang dahilan para ako tumutol. Naniniwala naman ako sa iyo na tutuparin mo ang panga­kong mamahalin si Mariz.’’

‘‘Opo. Mamahalin ko siya nang labis.’’

‘‘Ang isang kahilingan ko sana ay makausap ko ang iyong mga magulang. Gusto ko, dalhin mo sila rito, Piolo. Puwede ba?’’

“Opo. Pero Mama ko lang po ang madadala ko rito dahil patay na po ang Papa ko.’’

“Ah ulila ka na rin pala sa ama, katulad ka rin pala ni Mariz.’’

‘‘Opo. Pareho nga po kami.’’

“Kailan mo isasama rito ang iyong Mama?’’

“Sa lalong madaling panahon po, Inay Encar.’’

“Mabuti yata at malakas pa ang pangangatawan ng Mama mo. Hindi ko katulad na bilanggo na sa wheelchair.’’

“Malakas pa po siya sa awa ng Diyos. Retired pro-pesor po sa kolehiyo ang Mama ko.’’

Napatangu-tango si Inay Encar.

“Anong age na niya?’’

“Seventy na po siya.’’

“Magkasing-edad pala kami.’’

“Sa totoo po, ang mama ko ay gustung-gustong ma-kita si Mariz.’’

Narinig ni Mariz ang sinabi ni Piolo.

“Totoo, Piolo?’’ tanong nito.

“Oo. Hindi ko nga alam kung bakit ganun na lamang ang pagpipilit ni Mama na hanapin kita.’’

Nasa mukha ni Mariz  ang pagtataka. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with