^

Punto Mo

May ‘booster’ na, ang iba wala pang bakuna

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang Department of Health (DOH) sa ulat na may mga binibigyan na ng ‘booster shot’ ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Hindi pa ito inirerekomenda ng ahensya, dahil nga kasi ang prayoridad sa ngayon ay mabigyan muna ng  1st at second dose ang maraming mamamayan bilang proteksyon sa COVID.

Ang nais malaman ng DOH ay kung saan ba galing ang mga bakunang ito at kung ano ang ginawang proseso  kung bakit sa kabila na marami pa ang naghihintay sa kanilang bakuna, eh meron nang natuturukan ng booster shots.

Pati tuloy ang mga medical workers na nagbibigay pahintulot at mismong nagturok ay papapanagutin din sa ganitong gawain.

Una ng lumutang ang isyu nang umamin kamakailan si   San Juan City Rep. Ronaldo Zamora na apat na beses na siyang naturukan ng COVID-19 vaccines.

Una na siyang naturukan ng 1st at second doses ng  Sinopharm at nagpaturok din ng dalawang beses ng Pfizer makaraang irekomenda umano ng kaniyang doktor dahil sa pagiging ‘immunodeficient’ niya.

Pero ang malinaw dito, hindi pa inirerekomenda ito ng DOH.

Hindi rin ito pinapayagan ng IATF.

Nakakalungkot ang ganitong insidente lalo pa nga’t sa isang opisyal sa pamahalaan ito nasumpungan.

Marami ang naghihintay sa kanilang bakuna, marami ang nabibigo dahil kulang sa supply habang ang iba naman ay may booster shots.

Sana nga ay matutukan ito ang husto ng DOH, dahil baka marami na ang nangyayaring ganito habang ang iba ay nangangamba pa rin sa kanilang proteksyon dahil sa hindi pa sila nababakunahan dahil sa kakulangan ng supply.

Aantabayanan natin ang resulta sa imbestigasyon at kung may mapapanagot dito.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with