^

Punto Mo

Dahil sa kakaibang karamdaman, lalaki sa india, 300 araw natulog sa loob ng isang taon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa India ang pinag-uusapan ng Indian netizens matapos mabalita na mayroon siyang kakaibang karamdaman kung saan ay nakatulog siya nang mahigit 300 araw sa loob ng isang taon!

Ibinalita kamakailan sa mga news program sa India ang kondisyon ni Purkharam, 42, ng Bhadwa village sa Rajasthan na may sakit na HPA axis hypersomnia.

Ang kakaibang karam-daman na ito ang sanhi nang mahabang pagtulog ni Purkharam na umaabot ng 25 araw nang walang gisingan!

Unang na-diagnose si Purkharam ng hypersomnia 23 taon na ang nakararaan, matapos siyang makatulog ng 15 oras nang tuluy-tuloy.

Lumipas ang mga taon, lumala ang mga sintomas ng kanyang karamdaman at imbis na oras, araw na ang binibilang bago siya magising mula sa pagtulog.

Ngayong 42-anyos na si Purkharam, umaabot na ng 25 araw bago siya magising kaya sa loob ng 365 araw o isang taon, 300 araw ang kanyang itinulog.

Sa kasalukuyan, wala pang gamot sa HPA axis hypersomnia. Sumailalim na sa maraming treatment si Purkharam ngunit wala masyadong naitutulong ang mga ito sa kanya at hindi niya kinakaya ang mga side effects nito sa kanyang katawan. Pero malaki pa rin ang tiwala niya at ng kanyang pamilya na magiging normal din ang kanyang pagtulog balang araw.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with