^

Punto Mo

Maari bang isangla ang lupa kung hindi pa ito nakapangalan sa nagsasangla?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Tama po ba ang pagsasanglang ginawa ng kapatid ko sa naiwang property ng aming magulang? Hindi pa po namin napaghahati-hatian ang lahat ng naiwan nilang ari-arian ngunit naisangla na po ng kapatid ko ang isa sa mga lupa . Maari po ba ang ginawa niyang pagsa-sangla?—William

Dear William,

Malinaw na nakasaad sa Article 2085 ng Civil Code ang mga requisites o ang mga kailangan upang masiguradong valid o may bisa ang isang mortgage o sanglaan ng lupa: (1) dapat ay ginawa ang pagsasangla upang masigurado ang pananagutan ng isang principal na obligasyon katulad ng utang; (2) na ang nagsangla ang siyang absolute owner o siyang lubos na may-ari ng property na isinasangla; at (3) malaya ang nagsasangla na isangla ang property o mayroon siyang legal na kapangyarihan upang gawin ito.

May problema ang ginawang pagsasangla ng kapatid mo dahil hindi naman siya ang absolute owner ng buong lupa na kanyang sinangla. Ang maari lang niyang isangla ay ang parte niya rito, na hindi pa tukoy hangga’t hindi n’yo napaghahatian ang mga ari-arian ng inyong magulang nang ayon sa prosesong itinakda ng batas.

Ayon sa Magsano, et al. vs. Pangasinan Savings and Loan Bank Inc. and Spouses Manuel, et al., hindi naman mawawala sa pag-aari n’yo ang bahagi ng lupa na dapat ay sa iyo at sa iyong mga kapatid dahil hindi naman kayo tali sa ginawang pagsasangla ng inyong kapatid lalo na’t hindi naman kayo nakinabang o kumita mula sa ginawa niyang pagsasangla.

Sa kabila nito, kailangan pa rin kayong maging mapagmatyag ukol sa titulo ng lupang isinangla dahil baka magkaroon na ng kalituhan ukol sa pagmamay-ari nito ngayong naisangla na ito ng iyong kapatid sa ibang tao.

 

vuukle comment

PROPERTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with