^

Punto Mo

GCQ giit pa sa MM!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Anumang araw ay maglalabas na muli nang anun­syo ang Pangulong Digong tungkol sa quarantine classifications  na ipapatupad partikular sa NCR at mga karatig na lalawigan.

Kasalukuyan pa ring nasa general community quarantine (GCQ) ang NCR at kalapit lalawigan hanggang bukas.

Hindi lang malaman kung tuluyan na itong maluluwagan at mananatili sa kasalukuyang classification.

Pero kung ang  independent OCTA Research Group ang tatanungin, irerekomenda nila sa pamahalaan na panatilihin pa rin ang umiiral na  GCQ  hanggang katapusan ng Hulyo dahil sa nanatili pa rin ang banta ng COVID-19 lalo na ang Delta variant.

Kung sabagay, napagsasabay naman sa ilalim ng GCQ ang bahagyang kaluwagan at pagbubukas pa ng mas maraming negosyo. 

Kung tutuusin nga halos nasasanay na sa ganito ang marami nating kababayan, pero kahit papaano para sa kanila ito na ang new normal.

Kung ang OCTA, hanggang katapusan ng Hulyo ang rekomendasyon na GCQ, may ilan nga na ang rekomendasyon ay panatilihin ang GCQ hanggang sa katapusan ng taon, para lalong makatiyak na hindi na mauulit ang matinding pagtaas ng kaso ng COVID na sinasabayan pa nga nang puspusang pagbabakuna.

Ang kailangan na lang talaga eh ang mapanatili pa rin ang istriktong health protocols para tuluyang umayos ang sitwasyon.  

Baka nga naman kapag binigla ang pagluluwag, may pagsisihan pa dahil marami pa rin ang pasaway na sobra ang kumpiyansa  at nagpapabaya na sa mga sarili sa pagsunod sa safety protocols.

Sana nga ay magtuluy-tuloy na ang pagbaba ng COVID at tuluyan nang matamo sa mga susunod na buwan ang herd immunity dahil sa malawakang pagbabakuna.

Pero laging isipin ‘wag magpakasiguro kahit nga marami na ang bakunado, matinding pag-iingat pa rin ang kailangan sa kasalukuyan.

 

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with