^

Punto Mo

Empleyadong sinampahan ng kriminal na kaso, maari bang alisin kaagad?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nahuli naming nagnanakaw ang isa sa mga tauhan namin sa tindahan. Ngayon po ay inilagay muna namin siya sa preventive suspension. Tanong ko lang kung maari ba naming sisantehin kaagad siya kapag may naisampa nang kriminal na kaso sa korte? —Melanie

Dear Melanie,

Ang pagnanakaw ay isang halimbawa ng serious misconduct na isa sa mga tinatawag na just cause o nararapat na dahilan upang sisantehin ang isang empleyado mula sa kanyang trabaho.

Gayunpaman, kailangan pa ring sundin ng mga katulad mong employer ang tamang proseso para sa pagtatanggal o termination ng isang empleyado. Hindi ibig sabihin na kapag may nakasampa ng kriminal na kaso sa korte ay automatic na rin na maaring sisantehin ang empleyado.

Ito ang naging nilalaman ng Copy Central Digital Copy Solution vs. Domrique et al., (G.R. No. 193219) kung saan sinabi ng Korte Suprema na ang kahahantungan ng isang labor case ay hindi dapat nakabase lamang sa kinalabasan ng isang kaugnay na kriminal na kaso.

Ibig sabihin, kahit pa convicted ang isang indibidwal para sa isang krimen, hindi lamang ito ang dapat na tanging basehan ng kanyang pagkakatanggal. Gayundin, hindi rin maaring maging basehan ang acquittal ng isang empleyado upang siya ay hindi matanggal sa trabaho.

Magkaiba kasi ang layunin ng kasong kriminal sa kaso ukol sa labor; ang isa ay upang matukoy kung may ginawa bang krimen ang isang indibidwal samantalang ang isa naman ay upang matukoy kung nakagawa ba ang kasalanan ang isang empleyado sa kanyang trabaho upang siya ay matanggal o mapatawan ng ibang parusa katulad ng suspensiyon.

Dahil magkaiba ang kanilang layunin, magkaiba rin ang pruwebang kinakailangan para sa bawat uri ng kaso.

Dahil magkaiba ang criminal case sa labor case, kailangan mo pa ring sundin ang twin notice rule kung gusto mo nang tanggalin ang iyong tauhan; ang unang notice upang ipaalam sa kanya ang kanyang violation at upang mabigyan siya ng pagkakataong makapagpaliwanag at ang pangalawa ay upang ipaalam sa kanya ang pagkakatanggal sa kanya base sa ginawang imbestigasyon.

Mahalagang dumaan sa tamang proseso sa pagtatanggal ng empleyado dahil baka ikaw pa ang malagay sa alanganin kung agad-agad kang magtatanggal ng empleyado.

vuukle comment

CASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with