^

Punto Mo

‘Spider-man’, nakipagkita kay Pope Francis

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG superhero ang nakipagkita kay Pope Francis kamakailan habang isinasagawa niya ang regular na pakikisalamuha sa publiko linggu-linggo.

Si Spider-Man ang lumapit sa Santo Papa at sandaling nakipag-usap sa kanya.

Matapos ang maikling pagkikita ay iniabot pa ni Spider-Man ang isa sa kan­yang mga maskara kay Pope Francis bilang remembrance.

Ang nasa likod ng Spider-Man costume ay ang 27-anyos na si Mattia Villardita mula northern Italy. Binigyan siya ng pagkakataon na makausap si Pope Francis para sa kanyang kawanggawa.

Dinadalaw kasi ni Villardita ang mga batang maysakit na naka-confine sa mga ospital. Upang mapasaya ang mga bata ay palagi siyang naka-superhero costume kapag binibisita niya ang mga ito.

Hindi ito ang unang beses na kinilala si Villardita para sa kanyang pagkakawanggawa.

Noong isang taon, pinarangalan din siya ng presidente ng Italy para sa ipinakita niyang kabutihan sa anim na batang maysakit.

 

vuukle comment

POPE FRANCIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with