^

Punto Mo

Dapat kainin kapag ‘stress’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Prutas na mayaman sa vitamin C at fibers — citrus fruits kagaya ng dalanghita, orange, papaya, bayabas. Importante ang vitamin C upang manatiling malakas ang pangangatawan. Nakakapanghina ng katawan ang problema. Ang fibers naman ay nakakapag-regulate ng blood suger level.

2. Low fat milk or skim milk — mataas sa calcium at B vitamins ang gatas na pumuprotekta sa buto at nakakatulong para maiwasan ang nerbiyos.

3. Brown rice — maraming B vitamins at nagtataglay ng serotonin producing carbohydrates na nagpoprotekta para hindi tumaas ang blood sugar level.

4. Green vegetables — mas dark ang pagkaberde, mas mabuti para mataas ang level ng potassium na nagpapakalma ng ating nerves.

5. Manok — na tinanggalan ng fats at balat. Iwasang iprito, sa halip, gawing tinola o anumang luto na hindi gagamit ng mantika. Nagtataglay ng amino acid na nakapagpaparelaks matapos kainin. Kung may available na buko juice, ito ang isabaw sa tinola sa halip na tubig. Isahog na rin ang laman ng buko.

6. Pagkaing mula sa soybeans — kagaya ng tokwa, tofu. Mayaman sa protina, B vitamins, calcium at magnesium.

7. Kamote — mayaman sa beta carotene, vitamins at fibers.

8. Tubig — nakakadagdag ng stress kung ang katawan ay dehydrated. Nerbiyos ang resulta kapag kulang sa tubig ang katawan.

9. Salmon — mayaman sa omega-3 fatty acids na nakakatulong upang hindi tumaas ang stress hormone cortisol.

10. Avocado — mayaman sa monounsaturated fat at potassium na nakakapagpababa ng blood pressure. Ang iba pang mayaman sa potassium ay saging, pakwan at melon.

vuukle comment

STRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with