^

Punto Mo

Natigil na libreng sakay, may nalungkot, may natuwa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami sa ating mga kababayan na regular na sumasakay sa EDSA Bus carousel ang nabigla kahapon matapos na singilin na sa kanila sa pamasahe.

Ang laking bagay kasi sa kanila ang libreng sakay na pansamantalang itinigil simula kahapon nang magtapos ang Bayanihan 2 ng pamahalaan na siyang nagpondo sa programa.

Bagamat may   ilan sa mga commuter ang alam na tigil na ang libreng sakay kahapon , pero umasa pa rin ila  na maipagpapatuloy pa muna ito ng ilang araw,   yun nga lang nagulat na sila dahil may mga konduktor nang nagtitiket at naniningil sa mga sumasakay. Marami ang hindi ito napaghandaan.

Karamihan sa mga naapektuhan sa pagtigil sa programa ay mga ordinaryong manggagawa na pumapasok sa kani-kanilang trabaho na kahit papaano at nakatulong sa kanila ng malaki ang libreng sakay.

 Katapusan ng Hunyo nang napaso na ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na nagpopondo sa Service Contracting at Libreng Sakay program ng DOTr at ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) kaya’t kinailangan na ring itigil ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga manggagawa.

Sa kasalukuyang pasahe ngayon ay magsisimula sa  P13 hanggang P61 na one-way ticket, depende sa layo ng biyahe habang  P120 ang kailangang bayaran kung balikan. Ang laki di ba?

Pero may pangako naman ang DOTr na naghahanap sila nang paraan para mapondohan muli ang libreng sakay.

Kung nadismaya ang maraming manggagawa  dahil sa natigil na libreng sakay, labis naman ang kasiyahan ngayon ng mga konduktor na muling nakabalik naman sa trabaho matapos ang mahabang na pagkatigil.

Kung ang mga pasahero nanalangin na sana muling maibalik ang libreng sakay, ang mga konduktor naman iba ang bulong , sana ay huwag na itong ibalik para  di na sila matigil sa trabaho.

 

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with