^

Punto Mo

Painting na hindi pinapansin at inakalang replika, nagkakahalaga pala ng $240m!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG painting ng sikat na pintor na si Rembrandt na matagal nang inaakalang naglaho ang natagpuan sa isang tahanan sa Rome, Italy.

Ang painting na pinamagatang “The Adoration of the Magi” ay ipininta ng Dutch painter na si Rembrandt mula 1632 hanggang 1633.

Ilang siglo na ang binibilang sa paghahanap ng orihinal na kopya nito at tanging mga kopya na lamang ang masisilayan nito sa mga museo sa Saint Petersburg sa Russia at sa Gothenburg, Sweden.

Noong 2016, may isang hindi pinangalanang pa­milya sa Rome, Italy ang nakadiskubre na ang inaakala nilang replica na nakadisplay sa kanilang tahanan ay ang matagal nang hinahanap na painting ni Rembrandt. 

Ang buong akala ng pamilya, walang value ang painting ngunit nang malaglag ito sa pagkakasabit sa kanilang pader at dinala nila sa isang art restorer para ipaayos ang da­mage, nalaman nila na maaaring ito ang orihinal na painting ni Rembrandt.

Matapos ang mahigit limang taon, kinumpirma ng French Aca­demy of the Villa Medici sa isang symposium noong Hunyo 22, 2021 na orihinal na painting ni Rembrandt ang natagpuang painting at may halaga ito na aabot sa $240 million!

Sa kasalukuyan, walang balak ang pamilya na ibenta ang painting at ang plano nila ay ipahiram ito sa mga museo at gallery para sa public viewing.

 

vuukle comment

ITALY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with