^

Punto Mo

Final answer: Face shield mandatory pa rin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagpasya na ang Palasyo, mandatory pa rin ang pagsusuot ng face shield maging indoor o outdoor.

Sagot ito sa kalituhan ng marami nating mga kababayan sa kung ano ba talaga ang patakarang umiiral ngayon sa face shield.

Sa gitna kasi ito sa pagtaas sa bilang ng mga natukoy na  kaso ng Delta variant na sinasabing mas mapanganib at mas madaling kumalat. Sa ngayon 17 kaso na ang natukoy ng DOH.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang mainit na isyu at balitaktakan patungkol sa face shield, kanya-kanyang opinion, meron pa ngang ilang mga politiko ang sumasakay na isyu.  

Tila mistulang paglabag na sa karapatang pantao kung ginawang mandatory ang pagsusuot nito.

Isang maliit na bagay na hindi na dapat pagtalunan, pero malaki ang maitutulong para maampat o mapigilan ang pagkalat ng virus.

Nasa gitna kasi tayo ng pandemya, at anuman ang pairalin ng mga patakaran para ito malabanan eh responsibilidad din natin na sumunod.

Hindi ba’t sa pagsisimula pa lamang noon ng pandemya, sa kasagsagan nang pinaiiral na pagsusuot ng face mask sa Estados Unidos marami ang nagsagawa ng mga pagrarali, at kinokontra ang patakarang ito.

Sumisigaw pa ang mga ito ng ‘freedom’ na mistulang sinisikil ang kanilang karapatan at hindi nagsisunod.

Hindi nga ba’t biglang umalagwa ang bilang ng nagka-COVID sa naturang bansa.

Konting tiis lang naman, makiisa sa pagsunod sa patakaran para mabilis nang makabalik tayo sa totoong normal na pamumuhay.

vuukle comment

FACE SHIELD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with