^

Punto Mo

Pinaka-premature na baby sa mundo, nagdiwang na ng unang birthday

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA kabila ng pagkakapanganak na premature ng 131 na araw, nabuhay pa rin ang sanggol na si Richard Scott William Hutchinson ng Minnesota at ngayon ay nagdi­riwang na siya ng kanyang unang kaarawan.

Tinatayang nasa 0% ang tsansa ni Hutchinson para mabuhay matapos siyang ipanganak noong Hunyo 5, 2020 na may bigat lamang na 340 grams. Sa sobrang liit, kaya niyang magkasya sa palad ng kanyang mga magulang. Ipinanganak si Hutchinson sa Children’s Minnesota hospital sa Minneapolis. 

Mabuti na lamang at sadyang matibay si Hutchinson, na pinauwi na sa kanilang tahanan sa Wisconsin noon pang Dis­yembre  matapos mag-stable ang kanyang kondisyon.

Ngayon ay kinilala na ng Guinness World Records si Hutchinson bilang pinaka-premature na baby sa mundo na nabuhay.

Mas premature siya ng tatlong araw sa isang baby sa Canada na 128 araw na premature nang ipinanganak noong 1987.

 

vuukle comment

CHILD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with