^

Punto Mo

Labrador sa California, iniligtas ang amo sa makamandag na rattlesnake

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BAYANI ang turing sa isang Labrador sa California matapos iligtas ang kanyang amo sa pagkakatuklaw ng isang napakamakamandag na ahas.

Nasa kanyang tahanan sa California ang 18-anyos na si Alex Loredo, tatlong linggo na ang nakararaan nang mangyari ang tangkang panunuklaw sa kanya ng rattlesnake.

Nagpunta sa labas ng kanilang tahanan si Loredo nang bigla niyang makita sa bakuran ang ahas na handang-handa na siyang tuklawin.

Bago pa man siya makaiwas sa rattlesnake, bigla na lang tumakbo palabas ng kanilang bahay ang alaga niyang Labrador na si Marley at pumagitna sa kanila ng ahas.

Si Marley ang sumalo sa panunuklaw ng ahas. Dalawang kagat ang natamo ni Marley.

Agad itinakbo ni Loredo at kanyang ina si Marley sa isang beterinaryo kung saan  tinurukan ito ng anti-venom.

Inasahan ni Loredo na iyon na ang katapusan ng kanyang alaga kaya mabuti na lamang at dala-wang araw lamang na-confine si Marley sa ospital.

Ayon kay Loredo, ito na raw ang pinakamatagal na nawalay ang Labrador sa kanila.

Noong Agosto 2020, napabalita rin ang pagliligtas ng isang Yorkshire Terrier sa kanyang amo mula sa panunuklaw ng isa ring rattlesnake habang nasa kalagitnaan sila ng isang hiking.

vuukle comment

CALIFORNIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with