^

Punto Mo

‘Mine detector’ na daga sa Cambodia, nagretiro na

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGRETIRO na ang kilalang daga sa Cambodia na expert mine detector o tagaamoy ng mga hindi pa sumasabog na mina at bala ng kanyon.

Matapos ang limang taon na pagseserbisyo at matagumpay na pag-detect ng 71 land mines at 38 pampasabog, retirado na ngayon ang daga na si Magawa.

Galing sa Tanzania si Magawa, na sinanay ng isang non-profit organization mula Belgium para sa proyekto nilang alisin ang mga mina at pampasabog na ikinalat sa Cambodia noong kasagsagan ng giyera doon noong 1970s hanggang 1980s.

Tamang-tama kasi ang size ni Magawa at ang mga kapwa niya African giant pouched rat para sa pag-detect ng land mines.

Magaan ang mga African giant pouched rat kaya hindi nati-trigger ang pampasabog kahit madaanan nila ito. Bukod dito, mas mabilis din silang maghanap ng land mines kumpara sa isang tao na may suot na mine detector.

Nagpasya nang pagretiruhin si Magawa dahil kapansin-pansin na raw ang pagbagal ng kilos nito. Masasabing matanda na si Magawa para sa isang African giant pouched rat, na karaniwang walong taon lamang ang haba ng buhay.

May mga kapalit ng daga na magpapatuloy ng land mine clearing operations sa Cambodia ngunit ayon sa non-profit na nagsasagawa nito, malabo raw na may makapantay sa husay at kakayahan ni Magawa bilang mine detector.

vuukle comment

CAMBODIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with