^

Punto Mo

Ang mabangong buhok

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG bagong pasok na empleyadong babae ay may magandang mukha, mala-Coke na kurba ng katawan, matangkad, mga 5’8 ang height. Lahat ng lalaking kasamahan  niya sa opisina ay attracted sa kanya.

Sa second day ng kanyang pagtatrabaho, habang nakatayo ang bagong empleyado sa may pintuan ng opisina, dumaan sa harapan niya ang kanyang lalaking supervisor at saka nagsalita:

“Hmmm…ang bango ng buhok mo!”

Sa ikatllong araw, habang siya ay nakatayo sa harapan ng copier machine, dumaan muli ang supervisor sa kanyang harapan at nagsalita:

“Hmmm…ang bango ng buhok mo!”

Nang ikaapat na araw, habang may inaabot siyang folder sa pinakamataas na shelf ng cabinet, dumaan muli sa harapan niya ang supervisor at nagsalita:

“Hmmm…ang bango ng buhok mo!”

Nagsimula nang mag-isip ang magandang dalaga sa araw-araw na paglapit sa kanya ng supervisor at pagpuri sa kanyang mabangong buhok. Namamalisyahan na siya sa ikinikilos ng supervisor. Hindi na nakakatuwa ang ginagawa nito sa kanya kaya pumunta siya sa manager ng HR department para magsampa ng reklamo ng sexual harassment laban sa supervisor.

“Sa loob ng sunud-sunod na tatlong araw itatayming niya na ako ay nakatayo, bigla siyang  dadaan sa aking harapan at saka sasabihan  na mabango raw ang aking buhok.”

“Hinipo ba niya ang isang bahagi ng iyong katawan?” tanong ng manager.

“Hindi po.”

“Paano magiging sexual harassment ang pagpuri sa iyong mabangong buhok?”

“Mam, nakikita mo naman na hanggang batok lang ang aking buhok. Paano niya ito maaamoy, 4’2 lang ang kanyang height dahil may dwarfism siya, samantalang ako ay 5’8? Obvious na ibang buhok ang tinutukoy niya.”

vuukle comment

HAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with