^

Punto Mo

Pabango na amoy bagong panganak na sanggol, viral ngayon sa Japan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISA sa paboritong ikuwen-to ng mga magulang ay kung gaano kasarap amuyin ang mga bagong panganak na sanggol.

Madalas ilarawan ang amoy ng bagong panganak na baby bilang matamis at malinis kaya isa ito sa nami-miss ng mga magulang.

Kaya pinag-uusapan ngayon ng mga Japanese netizens sa Twitter ang isang pabango na kasing amoy daw ng newborn baby, ang   eau de toilette perfume na “Mother Milk”! Gawa ito ng Tokyo Randebu, isang perfumery company sa Japan.

Ayon sa kanilang mga   promotional pamphlets, ginawa nila ang ‘‘Mother Milk’’ para ipaalala sa mga magulang na biyaya ang mga sanggol mula sa kalangitan.

Maraming Japanese netizens ang na-curious sa amoy ng pabangong ito kaya naging no. 1 bestseller ito sa perfume category sa isang shopping website doon.

Base sa mga reviews ng mga Japanese netizens sa Twitter, naging magkasalungat ang naging opinion ng mga taong nakabili at nakasubok na nito.

May ilang netizens na inihalintulad ang amoy nito sa kanilang baby at may ilan naman ang nagsabi na pinag­halo-halo lamang ito na amoy milk, caramel, vanilla, at butterscotch.

Sa kasalukuyan, mabibili lamang ang “Mother Milk” sa mga Japanese online shopping websites sa halagang 2,640 yen.

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with