^

Punto Mo

Face mask na puwedeng kainin, naimbento na sa Japan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL sa COVID-19 pandemic, tumaas ang demand sa face mask sa buong mundo. Dumami ang mga kompanyang gumagawa ng iba’t ibang klase at disenyo ng face mask de­pende sa pangangailangan at lifestyle ng isang tao.

Kaya may isang kompanya sa Japan na nakaimbento ng isang klase ng face mask na puwedeng kainin! Tinawag itong ‘‘Mask Pan’’, isang edible na face mask na gawa sa tinapay.

Inimbento ito ng isang experimental laboratory company na Goku no Kimochi The Labo. Dinevelop ito ng tatlong Science university students mula sa Fukuoka at Okinawa. Nabuo ang ideya nila na gawin ang “Mask Pan” dahil pangarap nilang magsuot ng face mask na amoy tinapay.

Ipinahayag ng kompanya na ang Mask Pan ay isang novelty item o para lamang sa katuwaan at hindi nila nire-rekomenda na gamitin ito sa mataong lugar at lalo na sa mga ospital.

Ngunit kahit isang novelty item lamang ang Mask Pan para gamitin sa pag-selfie at katuwaan ng pamil­ya at magkakaibigan, dumaan sa seryosong pagsusuri ang kanilang produkto.

Ayon sa Unitika Garmentec Research Institute, isang testing institute na sumusuri ng mga face mask sa Japan, nakakapagbigay ng sapat    na proteksyon laban sa droplets ang Mask Pan.

Nilabas sa merkado ang Mask Pan noong Huwebes (Hunyo 10, 2021) at nagkakahalaga ang limang piraso nito ng 1,800 Yen (katumbas ng P784).

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with