^

Punto Mo

Kumakain ng gulay mas mababa ang tsansang magka-COVID

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

HINDI lang pagbabakuna, pagsusuot ng  face mask at  face shield, social distancing, at  paghuhugas ng mga kamay ang paraan para makaiwas sa COVID-19. Nariyan din ang tamang pagkain na maaaring makapagpababa para hindi dapuan ng COVID-19 virus, batay sa isang bagong pag-aaral.

Sinabi ng mga researcher kamakailan na ang mga vegeta-rian ay 73 porsiyento ang tsansang hindi tamaan ng COVID-19 habang ang mga pescatarian naman ay 59 percent kumpara sa mga kumakain ng karne.

Ang mga pescatarian ay mga tao na mas piniling kumain ng mga gulay pero kumakain din sila ng mga isda at iba pang pagkaing-dagat bilang pinagkukunan nila ng protina. Meron ding mga pescatarian na kumakain din ng karne ng manok at itlog.

Naunang lumabas  sa British Medical Journal at BMJ Nutrition, Prevention and Health ang pag-aaral na sinasabing ibinatay sa mga questionnaire na isinumite ng  2,884 health-care worker mula sa mga bansang Europeano partikular mula sa France, Germany, Italy, Spain, United Kingdom at United States.  568 sa mga indibidwal na ito ang kumpirmadong may  kaso ng COVID-19 noong nakaraang taon. Sa mga kasong ito, 138 ang nagkaron ng moderate hanggang severe symptom ng naturang sakit habang ang natitirang 430 ay nakaranas ng katamtamang epekto ng sakit sa baga.

Sa mga napaulat na nagkasakit, 41 lang ang nagsasabing kumakain lang ng mga gulay habang 46 ang pescetarian. Ang natitirang 481 ay kumakain ng mga karne ng hayop tulad ng baboy at baka at manok.

Ayon sa mga awtor ng pag-aaral, ipinahiwatig sa resulta ng kanilang pananaliksik na maituturing na proteksyon laban sa severe COVID-19 ang mga pagkaing maraming nutrient o nagtataglay ng  mga vitamins, minerals, complex carbohydrates, lean protein at healthy fats   pero mababa sa calories.

Gayunman, sinasabi ng ilang tagamasid na hindi malinaw kung bakit mas mabuti ang kalagayan ng mga kumakain ng isda at gulay sa panahon ng pandemya dahil limitado ang mga pag-aaral sa kaugnayan ng mga grupong ito sa COVID-19 “Kaya kailangang maingat sa interpretasyon sa mga resulta ng pananaliksik,” sabi ng deputy chairman ng NNEdPro Nutrition ng UK na si           Shane McAuliffe sa isang hiwalay na pahayag. Ipinahiwatig niya na kailangan pa ang ibayong pag-aaral sa ugnayan ng diet, nutrition status at COVID-19.

May nauna nang rekomendasyon ang World Health Organization na, para mapalakas ang immune system ng katawan,  kumain ng fresh at unprocessed food at, sa panahong ito ng pandemya, maaaring ikonsidera ang pagkain ng mas maraming gulay.

Email: [email protected]

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with