^

Punto Mo

Pang-ekslusibong simbahan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG araw ng Linggo, may pumasok na matandang magsasaka sa pinakamagandang simbahan ng lungsod. Dito nagsisimba ang lahat ng mayayamang residente ng lungsod. Ang mayayaman daw ang nag-ambagan para ito maipagawa. Taga-baryo ang magsasaka. Nagkataong lumuwas siya sa lungsod dahil nagrasyon siya ng itlog sa palengke. First time niyang pumasok sa simbahan sa magarang simbahan. Maliit lang na kapilya  sa baryo ang bahay-dalanginan nila at isang beses lang kada taon itong pinagdadausan ng misa. Nagkataong hindi pa nagsisimula ang service kaya umupo siya sa pinakahulihang upuan at nanalangin. Gusto pa sana niyang magdasal pero tinitingnan siya ng mga tao. Malinis naman ang damit niya at nakasapatos pero mahahalatang luma at kupasin. Tinapunan siya ng mga ito nang masamang tingin. Nagpasya siyang huwag nang magtagal.

Pagpasok pa lang ay nakita na agad siya ng preacher. Nilapitan nito ang magsasaka nang tumayo para lumabas ng simbahan.

“Sandali lang ginoo, sana pagbalik mo dito sa susunod na Linggo, itanong mo sa Diyos kung ano ang tamang kasuotan kapag ikaw ay sumasamba sa Kanya.”

“Hayaan po ninyo at gagawin ko iyon at babalik ako upang sabihin sa iyo ang magiging kasagutan ng Diyos” ang magalang na sagot ng magsasaka.”

Matalino ang magsasaka para maintindihan niya ang sarkastikong pangungusap na binitawan ng preacher. Hindi lang siya madiretso na ang pangit na kasuotan niya para ipangsimba sa kanilang magarang simbahan.

Talagang tinotoo ng magsasaka na bumalik sa simbahan ng mayayaman kinalingguhan. Luma pa rin ang kanyang suot na damit at sapatos. Napasimangot  ang preacher at agad siyang nilapitan.

“Nakausap ko na po ang Diyos,” nakangiting sabi ng magsasaka.

“Tinanong mo ba kung anong tamang kasuotan  kapag sumasamba sa Kanya?”

“Opo.”

“Anong sagot ng Diyos?”

“Hindi raw Niya alam dahil hindi pa siya nakakapasok sa simbahan na ito kahit kailan.”

vuukle comment

CHURCH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with