^

Punto Mo

Babae sa China na may pinakamahabang pilikmata, pinarangalan ng Guinness!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae mula sa Shanghai, China ang tinalo ang sariling­ Guinness World Records matapos humaba sa sukat na walong pulgada ang kanyang pilikmata!

Natanggap ni You Jianxa noong 2016 ang kanyang unang Guinness World Records sa kategoryang world’s longest eyelashes dahil umabot ang kanyang mga pilikmata sa 4.88 pulgada.

Ayon sa mga panayam niya noon, nagsimulang humaba ang kanyang mga pilikmata noong 2015 at hindi na ito tumigil sa pagtubo.

Nakapagpatingin na siya sa ilang mga eksperto at mga doktor ngunit walang maibigay na malinaw na paliwanag sa kanya ang mga ito kung bakit patuloy na humahaba ang kanyang mga pilikmata.

Sa kagustuhan na mahanap ang dahilan kung bakit mahaba ang kanyang pilikmata, nagtanung-tanong si You sa kanyang mga kamag-anak kung may katulad din ba niya sa kanilang pamilya na may mahabang pilikmata.

Napag-alaman niya na siya lamang sa kanyang angkan ang nakararanas ng ganitong klaseng kondisyon.

Wala nang nagawa si You kundi tanggapin at mahalin niya ang kakaibang kondisyon ng kanyang mga pilikmata na kalaunan ay naging dahilan para siya parangalan ng Guinness World Records at makilala sa buong mundo.

Sa kasalukuyan, ang pinakamahabang pilikmata ni You ay nasa kaliwang talukap ng kanyang mata na may sukat na 8 pulgada.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with