^

Punto Mo

Insulto

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG unang araw ni Abraham Lincoln bilang Presidente ng United States of America, kinailangan niyang magbigay ng inauguration speech sa senado. May ilang inimbitahang hindi miyembro ng senado ngunit mayayamang negosyante na kilalang tagasuporta ng ilang mga pulitiko.

Pagpasok ni Lincoln sa bulwagan, may isang lalaking mula sa mayamang angkan ang nagsalita nang malakas na dinig ng lahat ng taong naroon.

“Mr. Lincoln, huwag mong kalilimutan na ang iyong ama ay dating taga-gawa ng sapatos ng aming pamilya.”

Natahimik ang lahat. Inaasahan ng mayaman na nagtagumpay siya sa pang-iinsulto sa Presidente. Ang kalaban ni Lincoln ang sinuportahan ng mayamang lalaki. Tiningnan siya ni Lincoln, ngumiti at saka nagsalita.

“Sir, alam kong naging taga-gawa ng sapatos ang aking ama ng iyong buong pamilya. At marahil sa iba pang pamilya ng mga narito ngayon.

Kapag gumagawa ng sapatos ang aking ama, itinuturing niyang obra maestra ang bawat pirasong tinatahi niya. Nais niyang masisiyahan ang kalooban at magiginhawahan ang bawat paa na magsusuot ng kanyang ginawang obra. Kakaiba siyang shoemaker. He was a creator.

“Matanong kita Sir, may reklamo ba ang iyong pamilya sa mga ginawang sapatos ng aking ama?”

Magaling din akong gumawa ng sapatos. Kung may reklamo ka sa ginawang sapatos ng aking ama, puwedeng ayusin ko ang irereklamo mo.”

Pero sa aking pagkakaalam, wala ni isang reklamo na natanggap ang aking ama sa mga sapatos na ginawa niya, sa halip ay papuri ang kanyang natanggap. He was a genius, great creator at ipinagmamalaki ko siya.”

Walang nakakibo kahit isa. Kahit ang mayamang lalaki na akala ay mapapahiya ang Presidente dahil ibinisto niyang ito pala ay anak ng isang mananahi lang ng sapatos. Sa halip ay siya ang napahiya sa pambabastos sa Presidente.  

vuukle comment

UNITED STATES OF AMERICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with