^

Punto Mo

Bride, namatay sa araw ng kasal; nakababatang kapatid ang pumalit at nagpakasal sa groom sa araw ding iyon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae ang namatay sa araw mismo ng kanyang kasal pero imbes na itigil ang wedding ceremony, pinalitan siya ng kanyang nakababatang kapatid para pakasalan ang groom sa araw ding iyon!

Masayang araw sana ang petsang Mayo 26, 2021 para kina Surabhi at Manjesh dahil iyon ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Ngunit bago pa magsimula ang “pheras” ceremony – isang importanteng ritwal sa kasal ng mga Hindu, biglang nag-collapse sa stage si Surabhi. Hindi na siya nasagip ng paramedics at idineklarang wala nang buhay.

Pero imbes na ikansela ang okasyon, nag-usap ang pamilya ng magkabilang panig. Dahil ang pag-iisang dibdib nina Surabhi at Manjesh ay isang arranged marriage, napagkasunduan na palitan si Surabhi ng kanyang nakababatang kapatid na si Nisha.

Hindi naiwasan na maging mabigat at malungkot ang wedding ceremony nina Surabhi at Nisha dahil nasa kabilang silid ang bangkay ng kamamatay lamang na si Surabhi.

Ayon sa panayam kay Nisha ng isang local news agency sa Uttar Pradesh, agad siyang pumayag na maging kapalit ng kanyang kapatid dahil sa tingin niya ay obligasyon niya ito sa kanyang pamilya.

 

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with